WALANG kupas pa rin ang kagandahan ng isla ng Palawan!
Marami pa rin kasi ang nabibighani at tumatangkilik na puntahan ang isa sa kilalang tourist spot ng Pilipinas.
Sa katunayan nga, pang-apat ang Palawan sa listahan ng “Top 10 Trending Travel Destinations” ng travel platform na Tripadvisor para sa taong ito.
Sa website, inilarawan ang isla bilang “a slice of heaven, a sliver of an island that teems with exotic wildlife, quaint fishing villages and UNESCO World Heritage Sites.”
Inirekomenda pa ng travel platform na bisitahin ang Calauit Game Preserve and Wildlife Sanctuary, Japanese shipwrecks ng Coron Island, at ang Puerto Princesa Underground River.
Baka Bet Mo: Ivana Alawi tinupad ang ‘dream destination’ ng ina, pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa Paris
Samantala, ang nangunguna sa listahan ng Tripadvisor ay ang Tokyo ng Japan, habang ang mga sumunod na riyan ay ang Seoul sa South Korea at Halong Bay sa Vietnam.
Kasama rin sa trending destinations ang ilang lugar sa Cambodia, Mexico, Thailand, Costa Rica, Malaysia at Colombia.
Ayon sa travel platform, napipili nila ang trending destinations based sa nakukuha nitong “high volume of above-and-beyond reviews and opinions” mula sa kanilang komunidad.
Narito ang kumpletong listahan ng “Top 10 Trending Travel Destinations for 2024”:
-
Tokyo (Japan)
-
Seoul (South Korea)
-
Halong Bay (Vietnam)
-
Palawan Island (Philippines)
-
Sapa (Vietnam)
-
Bogotá (Colombia)
-
Pattaya (Thailand)
-
Alajuela (Costa Rica)
-
Phnom Penh (Cambodia)
-
Kuala Lumpur (Malaysia)