BEA tinalakan ang caterer ni KRIS, pinalayas pa sa studio ng ABS-CBN


TAMA ba ang nabasa namin sa isang website na me nakaaway itong si Bea Alonzo na caterer? At naganap daw ang pag-aaway sa show yata ni Kris Aquino?

Nagtatalak sa social media ang caterer na pinaalis siya ni Bea sa isang taping yata ng show ni Kris. Nabasa namin ang litanya ng caterer na kuha sa kanyang Facebook account, “Get out of there!” the caterer posted na parang sinabi sa kanya ni Bea.

“I can’t because Kris Aquino wants me here. But I swear, this bit**h is on my sh***t list. I’m pissed now. She came up to me and said for me not to use my macarons and proceeded to hand me a EFFIN TWG box.

How tactless. I’m now in the dirty kitchen playing a tuna tartare salad which I pray will pack on another few more pounds in her sorry fat ass,” kuwento ng caterer.

Kahit na pinapaalis ay hindi umalis ang hitad, “Well, I stayed and was surprised because Kris asked me to get on camera. I just don’t like what Bea and her mother did to me.

Kris was my savior and made my experience far better than when I arrived. Thank goodness for that!” post niya. We don’t know what transpired and why Bea, if she did it talaga, wants her out of the room.

We were not there and there are two sides of the story. Ano kaya ang magiging reaction ni Bea sa isyung ito na hindi lang siya ang involved kundi maging ang kanyang ina?

Actually, mas marami ang naimbiyerna sa caterer. Kasi naman, she went public about her disappointment kay Bea. Eh, alam naman nating lahat na maraming tagahanga ang dalaga.

Isa pa, hindi magandang example ang ginawa ng hitad. Meron siyang business na pinangangalagaan at sana naisip niya na with what she did kay Bea ay tiyak na mag-iisip ang sinumang kukuha sa kanya dahil baka ichismis din niya sa social media kapag may nangyaring kapalpakan.

( Photo credit to Google )

Read more...