MAGKAKAROON ng reboot at modern take ang 2004 hit movie na “Mean Girls.”
Ang American musical teen comedy film na may kaparehong titulo ay nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa darating na February 7.
Kalalabas lang ng official trailer nito noong January 12 at mapapanood na ang bagong pelikula ay tila pinagsama ang mga kwento ng 2004 film at ang Broadway musical noong 2018.
Baka Bet Mo: Ryan Reynolds ibabandera ang ‘imaginary friends’ sa bagong fantasy comedy film
May mga eksena rin na gayang-gaya mula sa iconic originals, pero karamihan diyan ay may mga bago nang twists.
Iikot ang istorya ng bagong “Mean Girls” sa isang bagong estudyante na mainit na tinanggap ng sikat na grupo na “The Plastics,” pero ‘yan ay nagbago mula nang ma-inlove siya sa ex-dyowa ng lider ng nasabing elite group.
Narito ang inilabas na synopsis ng upcoming movie mula sa Paramount Pictures:
“New student Cady Heron is welcomed into the top of the social food chain by the elite group of popular girls called “The Plastics,” ruled by the conniving queen bee Regina George and her minions Gretchen and Karen.
“However, when Cady makes the major misstep of falling for Regina’s ex-boyfriend Aaron Samuels, she finds herself prey in Regina’s crosshairs.
“As Cady sets to take down the group’s apex predator with the help of her outcast friends Janis and Damian, she must learn how to stay true to herself while navigating the most cutthroat jungle of all: high school.”
Ang Australian actress na si Angourie Rice ang bibida bilang si “Cady Heron” na dating ginampanan ni Lindsay Lohan.
Ang bagong kontrabida naman ay ang American actress na si Reneé Rapp bilang “Regina George” na dating si Rachel McAdams.
Habang ang kontrabidang minions na sina “Gretchen” at “Karen” ay napunta sa American actresses na sina Bebe Wood at Avantika, na dating role naman nina Amanda Seyfried at Lacey Chabert.
Magbabalik naman ang American actress-comedian na si Tina Fey to reprise her role bilang si “Ms. Norbury” at nagsisilbing writer ulit ng bagong musical movie.