CHARICE payag magpabuntis, pangarap ding maging ‘AMA’


Nangangarap din si Charice na magkaroon ng anak, at kahit sa paanong paraan daw siya magkaka-baby ay handa siyang gawin.

Ayon sa international singer, uunahin daw muna niya ang proseso ng in vitro para mas madali para sa kanya, pero kung hindi maiiwasan, okay daw kay Charuice na magbuntis.

Sey ng singer, type rin daw kasi ng partner niyang si Alyssa Quijano na maging kamukha ni Charice ang magiging baby nila.
Hindi kaya maunahan pa niya si Aiza Seguerra na magkaanak?

Matagal na kasing sinasabi ni Aiza na gusto niya ring magkaroon ng anak, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nangyayari.

Sa pagkakatanda namin, sinabi ng singer na talagang gustung-gusto na raw kasi ni Mommy Caring na magkaapo sa kanya.
Sa ngayon, hindi pa raw nila napagdedesisyunan kung magpapakasal na sila, pero inamin niyang napag-uusapan na nila ni Alyssa ang marriage.

Kamakailan ay nag-celebrate ng kanilang anniversary sina Charice at Alyssa sa Bohol, at sa pagpunta nga nila roon, nalaman ng singer na napakaraming nagmamahal sa kanya.

Siyempre, dahil nga sa nangyaring trahedya sa Bohol kamakailan matapos ang malakas na lindol doon, gusto ni Charice na makatulong sa ating mga kababayan.

At dahil nga rito, agad na nag-organize ng benefit show ang grupo ni Charice  para sa mga biktima ng lindol  na may titulong “One Voice” na gaganpin sa Nov. 5 sa Newport Theater kung saan magiging guests niya ang Sacy Girls at si Alyssa.

Bukas abangan n’yo ang kabuuan ng interview namin kay Charice dahil napakarami pa niyang kuwento tungkol sa relasyon nila ni Alyssa at sa mga susunod pa niyang proyekto.

( Photo credit to Google )

Read more...