NAGING biktima ulit ng “death hoax” ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Base sa kumakalat na Facebook post na mula sa page ng may pangalang “Philippine Scholar 2023”, si Kris ay pumanaw umano noong January 3 kalakip ang isang link papunta sa isang blog site.
Hindi na mahanap ng BANDERA ang nasabing FB page, pero base sa report ng Rappler ay umani ang post ng 1,100 reactions, 343 comments at 165 shares, as of January 11.
Makikita rin sa comment section mula sa ibinandera ng nasabing media website na nag-react ang Vice Governor ng Batangas na si Mark Leviste.
Baka Bet Mo: Ate Vi, Ai Ai ‘pinatay’ sa socmed, Comedy Queen rumesbak: Mga sira-ulo, mangmang, inutil!
Ayon kay Gov. Mark, fake news ang kumakalat na balita tungkol kay Kris at sa katunayan nga raw ay kasama niya ito ngayon sa California.
“Kris is very much alive – we’re together now in Orange County,” sey ng politician.
Mensahe pa niya, “Whoever came up with this fake/false news is foolish, selfish and idiotic!”
Maraming netizens naman ang tila galit na galit din sa FB page na nagpapakalat ng maling balita at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“May death come to people who weirdly love spreading fake news about somebody’s death.”
“KRIS AQUINO IS ALIVE!!! [queen, red heart emojis] 2024 na, pero fake news pa rin kayo! [emojis]”
“Praying for Kris better strength! Ignore these nonsense people who created this fake news.”
“Dapat kc idemanda yong mga nagpapakalat ng fake news.”
Kung maaalala, taong 2022 nang tila naging suki ng death hoax si Kris na agad namang pinabulaanan mismo ng dating TV host.
Si Kris ay kasalukuyang nakikipaglaban sa ilang autoimmune diseases kabilang na riyan ang chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at Churg Strauss o EGPA na isang “rare and life-threatening form of vasculitis.”
Siya ay nasa US noon pang taong 2022 upang magpagaling at sumailalim sa ilang treatments.