Fans nina Kathryn at Liza bardagulan na dahil sa isyu ng pag-unfollow sa IG

Fans nina Kathryn at Liza bardagulan na dahil sa isyu ng pag-unfollow sa IG

Liza Soberano at Kathryn Bernardo

BARDAGULAN ngayon ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano sa social media dahil sa isyu ng pag-unfollow sa Instagram.

Grabe! Nag-aaway-away ang kanilang respective supporters matapos kumalat ang balita na bukod kay Daniel Padilla at in-unfollow din ni Kathryn sina Liza, Julia Barretto at Gillian Vicencio.

Balitang bahagi ito ng ginawang “cleansing” ni Kathryn sa kanyang Instagram account pero sabi ng mga netizens very obvious naman na ayaw na talagang magkaroon ng konek ng aktres sa kanyang ex-boyfriend.

Pero ang nagsisilbing puzzle ngayon sa mga tagasuporta nina Liza at Julia ay kung bakit pati sila ay in-unfollow ni Kathryn sa IG, e, parang wala naman silang konek sa breakup nila ni Daniel.

Yan ang isa sa mga hot topic ngayon ng mga Marites sa social media na nagbabardagulan ngayon at kanya-kanyang pagtatanggol sa kanilang mga idol.

Baka Bet Mo:

May nabasa kaming comment na nauna naman daw mag-unfollow si Liza kay Kathryn noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kuwentong kina Kath at Enrique Gil unang in-offer ang blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye”.

Ito yung panahong naghahanda na si Liza para sa TV version ng “Darna” na napunta kay Jane de Leon.

Inakusahan ng bashers si Liza ng pagiging “bitter” dahil nagmarka sa kasaysayan ng Philippine entertainment industry ang naturang pelikula na pinagbidahan nina Kath at Alden Richards.

Ang “Hello, Love, Goodbye” ang may hawak ng titulong “highest-grossing Filipino movie of all-time” matapos kumita ng mahigit P800 million noong 2019.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments hinggil sa pag-unfollow ni Kathryn kay Liza sa IG.

“Over an ig unfollow mind you… meanwhile liza soberano was boohooing over kathryn’s movies, popularity and her endorsements. now THAT is insecurity.”

Baka Bet Mo:

“Kathryn was cheated on MULTIPLE TIMES and all you can do is hate her for unfollowing these personalities na involve? like what about give the woman the peace she deserves? or at least let her cope the way she wants? or just stop all your misogynistic takes because it shows.”

“Kathryn Bernardo unfollowed Liza Soberano, aware that people might misconstrue it, and anyone she unfollows will be dragged into the issue. Oh my sweet girl Liza. You don’t deserve this.”

“Knowing my girl Liza Soberano, she’s brave enough to defy everything that pesters her so I’m pretty sure she’ll debunk anything that will ever be an issue regarding this petty thing.”

“Yuck at people insinuating Kathryn loves drama and calling what she did as ‘ingay’. Taylor was right ‘A man is allowed to react. A woman can only overreact.'”

“Nung inunfollow ni Liza ingrata Soberano si Kathryn Bernardo dahil nagrebranding si gaga may narining ba kayo sa amin??? WALA. NGANGA. Pero nung si Kathryn Bernardo na nagunfollow kay Liza Ingrata Soberano dami niyo dada. YOU ARE THE BIGGEST PICTURE AS ALWAYS @bernardokath.”

“Actually understandable naman na inunfollow niya sina liza and julia since she’s not close to both, but people trying to make an issue about is just so weird and nakakirita.”

Baka Bet Mo:

“Si Liza diretso magsalita hindi dinadaan sa galawan para maging delulu ang fans at magtahi ng kwento jusko galawan ni Kathryn patalikod eh. Magsalita ka dahil ang mga fans mo kung ano ano ang sinasabi.”

“Di naman close/friends si liza and kath ever since. dont see why people are hating on liza bec of this. pwedeng this year, gusto lang ni kath na mga taong close nya talaga yung finofollow niya, pwedeng yun muna? super oa lang nung involved agad si liza sa breakup.”

“KB unfollowing LS is not the problem, but some of KB’s fans that trying to drag L’s name to kathniel’s breakup or cheating issue. Fans lang naman lagi nagbibigay ng speculations sa bawat galaw ng mga artista, toxic and delulu af.”

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na official statement ang kampo nina Kathryn at Liza hinggil sa kontrobersyang ito.

Read more...