Naimbita kami sa sosyal na Nuvali place na property Ayala sa Laguna for their Nuvali Outdoor Cinema. First time naming mag-watch ng film outdoor and it was a nice experience, huh!
Fresh and cold ang weather while watching Cinemalaya’s best film for new breed na “Transit” produced by Direk Paul Soriano.
That was our first time na mapanood ang “Transit” na entry ng Pilipinas sa Oscar Awards sa US.
E, pagka-ganda-ganda naman pala talaga ng pelikula ni Hannah Espia kaya dapat talagang ipagdasal natin na mapili ng Oscars for Best Foreign Language category.
At ang good news pa, e, mayroong kilalang Hollywood producer sa US ang nangangampanya sa movie for the Academy Awards na very much legal doon, huh! Remember what Judy Ann Santos did na nag-raise ng funds para sa campaign ng “Ploning” movie niya noon na makapasok sa Oscars?
Anway, nainterbyu namin si Direk Paul sa Nuvali Outdoor Short Film Festival kung saan isa siya sa mga hurado along with Jeffrey Jeturian and Jade Castro at kinumusta namin ang chance ng “Transit” sa Oscars.
“Well, of course, we’re very positive kami, ‘no. The development now is that Dean Devlin, ‘yung Hollywood producer of ‘Independence Day’ and ‘Godzilla,’ he picked up the movie. He’s representing the movie now in Hollywood.
“So, that was just recently, mga two days ago. So, we’re in good hands. We have a Hollywood big-time producer pushing for ‘Transit.’ I think first time,” proud na sabi ni Direk Paul.
Napansin namin na parang dumarami ang white hair ng boyfriend ni Toni Gonzaga. Sobra kasing dami ng iniisip ni Direk Paul especially now because of “Transit”.
But just the same, siya pa rin ang pinakaguwapong director para sa amin. “George Clooney daw sabi ni Toni. Ha-hahaha! White hair, ‘di ba?”
Dahil sa kabisihan niya sa “Transit,” for sure, mas lalong malayo pa sa isip niya ngayon ang mag-propose ng marriage kay Toni. Mabuti na ‘yun kesa naman maghiwalay sila na usung-uso ngayon sa showbiz, ‘no.
“Wedding? Uh, for me, honestly in my heart, I’m ready na, e. She said she’s ready na rin? Oh, so, now what I’m going to do is magpepre-production na ako sa planning,” kasunod ang malaman na tawa ni Direk Paul.
( Photo credit to Google )