Panic attack

MAHIGIT dalawang linggo na ang magnitude 7.2 lindol na tumama sa Bohol at Cebu pero tuwing may aftershock na nararamdaman ang mga kababayan natin doon ay marami sa kanila ang inaaatake ng panic.

Isa na rito si Mang Paulino na nakadaupang-palad natin nang tayo ay bumisita sa Catigbian Central Elementary School sa Bohol nang magsadya kami roon para sa isang misyon.

Hindi kami magkakilala, marahil ay naisip lang niya na doktor ako dahil ang grupo na sinamahan ko papunta sa Bohol (Ramon Tulfo Good Samaritan Foundation) ay naghatid ng tulong-medikal, pagkain, tubig at mga kagamitang personal.

Bago pala ang lahat, maraming salamat sa pagtutulong-tulong ng lahat para maibsan ang kahirapan na dinaranas ng mga nasalanta ng lindol.

Opo, nagpunta tayo sa Bohol para dalhin ang mabuting balita para sa naapektuhan nating mga kababayan na ang pagmamahal at pag-aaruga ng ating Poong Maykapal ang siyang tanging pag-asa at gabay sa ganitong mga panahon.

Pinilit kong intindihin ang sinabi ni Mang Paulino. Kaya pinilit ko ring ipaabot sa kanya ang mensahe ng pag-asa para maibsan at tuluyang mawala ang kanyang takot.

Nasira ang kanilang bahay, natigil ang hanapbuhay at hindi mawari kung saan kukuha ng pagkain. Maya’t maya rin ang pag-aalala baka may malakas pang aftershocks.

Ang kanyang karanasan sa nangyaring lindol ay nagdulot ng “psycho-emotional trauma.” Gaya ito ng isang aksidente na muntik na niyang ikamatay at ang pagkakaroon ng “stroke” na nagdulot ng “disability sa kanya.

Kapag hindi natutunan ng isang tao ang makalimot sa ganitong masamang karanasan ay patuloy na magiging balakid ito sa kanyang paglago, at posibleng mauwi sa mga serye ng “panic attacks.”

Paano pinapatay ang nerbiyos o panic attac?

Walang epektibong gamot na maaaring ipa-inom sa mayroong ganitong karamdaman.

Totoo, isang sakit ito. Sakit ito hindi lamang sa kaisipan kundi maging sa pisikal din.

Sa likod nito ay ang sakit ng espritwalidad kung saan napapaniwala ng kalaban (evil or negative energy) ang kaisipan na mayroon itong dapat ikatakot.

Ang nerbyos ay nag-uumpisa sa pagkabigla, ang pagdanas ng hindi inaasahan o kaya ng pagkakaroon ng karanasan na hindi maipaliwanag.

Maaring isa ka sa meron nito.
Abangan sa Biyernes ang kadugtong ng artikulong ito na tumatalakay sa panic attack na posibleng meron ka.

Read more...