69-year-old na senior citizen lalaban, rarampa sa Miss Universe Philippines-QC

69-year-old na senior citizen lalaban, rarampa sa Miss Universe Philippines-QC

PHOTO: Instagram/@muph_quezoncity

MAINGAY ngayon sa social media ang isang senior citizen na kabilang sa official candidates ng Miss Universe Philippines – Quezon City (MUPHQC).

Siya ang 69-year-old fashion designer na si Jocelyn Cubales na nakatakdang kalabanin ang 14 iba pang mga kandidata ng nasabing lungsod.

Ang mananalo sa kompetisyon ang siyang magiging pambato ng Quezon City para sa Miss Universe Philippines (MUPH) pageant ngayong taon.

Sa serye ng Facebook post ng MUPHQC, isa-isa nilang ipinakilala ang mga maglalaban-laban sa titulo.

Kabilang na riyan ang kay Jocelyn na naniniwalang maraming mapupulot na aral sa kanya ang mga kabataan, lalo na pagdating sa kanyang mga naging karanasan.

“Meet Jocelyn Cubales. At 69 years old, she believes that the younger generation can learn a lot from her life experiences, most especially grit. See her give light to the universe!” saad sa profile na inilabas ng pageant.

Baka Bet Mo: MUPH 2020 candidate Christelle Abello naaksidente, nagtamo ng ‘serious injuries’

Para sa kaalaman ng marami, dati nang sumali si Jocelyn sa Mrs. South Asia for Mrs. Universe noong 2017.

Naiuwi niya riyan ang special award na “Mother of the Universe” dahil sa kanyang adbokasiya at charity works na dedicated sa mga bata at kababaihan ng ating bansa.

Siya ang kauna-unahang Pinay na nag-compete sa nasabing pageant.

Ang coronation night ng MUPHQC ay nakatakdang mangyari sa darating na February 5.

Kung maaalala, noong nagdaang Setyembre nang inanunsyo ng Miss Universe Organization ang pagtanggal ng age restriction simula sa taong 2024.

Bukod diyan, kinumpirma rin noong nakaraang taon ng may-ari ng organisasyon na si Anne Jakrajutatip na bukas na rin ang international pageant para sa mga kandidatang may asawa, diborsiyada, at buntis.

Magugunita na ang kinatawan ng Quezon City last year na si Mary Eileen Gonzales ang isa sa mga kauna-unahang kandidata na sumaling nanay sa MUPH.

Read more...