Luis nanghihingi agad ng bagong baby kay Jessy: Gusto ko nga sunud-sunod na

Luis nanghihingi agad ng bagong baby kay Jessy: Gusto ko nga sunud-sunod na

Jessy Mendiola, Luis Manzano at Baby Peanut

KUNG si Jessy Mendiola lamang ang masusunod, gusto niyang magkaroon pa sila ng maraming-maraming baby ni Luis Manzano.

Yes, yes, yes, mga ka-Marites! Plano ng mag-asawang Jessy at Luis na dagdagan pa ang panganay nilang anak na si Baby Peanut.

Inamin ni Jessy na pinagpaplanuhan na nila ni Luis ang magiging baby brother o baby sister ng kanilang 1-year-old na anak.

“Oh yes! Oh my goodness! Si Luis nga nanghihingi na ng isa. Kung ako masusunod, I really want na sunod-sunod.


“Kasi sinabi ko sa kanya, ‘Naku, kung we started earlier lang, siguro lima na ngayon!’ Parang ganu’n. But siyempre we also have other things to do and gusto ko rin naman mabigyan ng tamang atensyon yung bawat bata, ‘di ba?

“So we are planning naman our second soon. But not soon,” ang pahayag ni Jessy sa ulat ng Push.

Baka Bet Mo: Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Inamin din ng aktres na tulad ng ibang nanay, naranasan din niyang magkaroon ng postpartum matapos isilang si Baby Peanut.

“I’ve always been vocal about it. Nu’ng bagong panganak ako, I’ve been posting on my vlog. So nakikita ng mga tao yung weight gain ko, nakikita ng mga tao yung pagpayat ko.

“Kapag talagang sinubaybayan mo yung…I think it has been buong year, Diyos ko may mga videos ako na ang gulo gulo ng buhok ko, wala akong makeup. So may mga moments na ganu’n,” pag-alala ng wifey ni Luis.

Nagbigay din siya ng advice sa mga tulad niyang first-time mom lalo na doon sa mga nakakalimutan na ang kanilang mga sarili dahil sa pag-aasikaso sa pamilya.

“Hay naku, you do you, mama. Kung ano magpapasaya sa ‘yo, kung anong feeling mo kung saan ka maganda, do it. Kasi how can you take care of your little one if you cannot take care of yourself, ‘di ba?

“Yung asawa mo, aalagaan mo pa. Siyempre dapat happy si mommy. And I also believe that ang bahay magiging masaya kapag masaya si mommy. Totoo yun.


“Ang talagang mood changer ng bahay ay si mommy. So you have to take care of yourself if you feel happy na mag-si-swimsuit ka or mag-ha-hanging top ka ba or shorty shorts, it’s okay.

Baka Bet Mo: Luis Manzano, Jessy Mendiola plano na nga bang magka-baby no. 2?

“It’s your body. Nagluwal ka ng bata. If you’re proud of yourself, then go. If happy ka sa nakikita mo then ipakita mo,” mariing sabi ni Jessy.

Dagdag pa niyang payo, “Let us live and let live, ‘di ba? Yun yung lagi kong sinasabi online kasi simula nu’ng naging mommy ako, ang daming nagsasabi, ‘Oh my gosh, bakit ka naggaganyan. Hindi na yan bagay sa ‘yo!’

“So anong bagay sa akin? Di ba? So gusto ko lang din i-share itong message na ito sa mga mommies na tulod ko na I’ve also had my fair share of insecurities.

“Hindi naman ako laging ganito, my gosh. Kung nakikita lang nila yung itsura ko sa umaga, magpatulog ng bata, tayo, upo, pampam ng bagets. Ha-hahaha!

“So, for me, as long as you are happy with yourself, aslong as you are making your family happy, you little one happy, go for it,” pagbabahagi pa ni Jessy Mendiola.

Read more...