Brgy polls walang pinagkaiba

ANG halalan kahapon ay hindi dapat tingnan bilang isang political exercise gaya ng halalang lokal o pambansa.

Panukala lang yon.

Sa katotohanan kasi, kasing dumi na ng halalang tradisyunal ang halalan sa barangay. Naroon ang mga elementong nagpaparumi sa exercise na ito.

Yung listahan ng areas of concern ng COMELEC (translation: mga lugar na maaaring pumutok ang karahasan) ay napakahaba ay malinaw na indikasyon na walang ipinagkaiba ang nangyari kahapon sa tradisyunal na halalan.

Ang trapo sa pambansa o lokal na halalan, kasing trapo rin ng maraming nanunungkulan sa barangay.

Case in point: Barangay sa Olongapo City na kinalakihan ko. Akalain n’yo ang barangay captain noon ay siya pa ring incumbent ngayon at reelectionist pa.

May isang term lang yata siyang nagpahinga, ipinasa sa isang kaanak, tapos siya uli. Siya uli ang tumakbo kahapon.
Itanong ninyo kung kelan siya unang naupo? Noon pang 1976. Parang to infinity and beyond lang ang peg ano?

Here’s another comparison of barangay polls vis-à-vis local and national elections: Yung kalkalan ng baho, sampahan ng kaso.

Expose kontra expose.

Mabuti sana kung ang tunay na layunin ay maisiwalat ang tunay na baho. Parang sa national level din. Aba’y kung tunay na may kahihinatnan ang lahat ng mga pagsasalita, pagsisiwalat at pagsusulong ng mga hakbang laban sa walang habas at walang pakundangang pondo ng sambayanan ay sige, go lang ng go. Ariba.

Isang barangay sa Makati City — ang pupuntusan natin. Isang kaso ang isinampa laban sa opisyal ng barangay dahil sa umanoy overpricing sa ginawang renovation ng gusaling pambarangay. Ang halaga na involved ay P17.4 milyon lang naman. Ayon sa nag-akusang isang Dionisio Aquino Grandioso ng grupong UPAK o (Ugnayan sa Pagbabago Laban sa Katiwalian) overpriced ito.

Bukod dito, bumili rin daw ng satellite office na dalawang 20-footer container van habang isinagawa ang renovation sa main barangay office. Ang halaga: P5 milyon. Sa ginawang pag-check o verification ng presyo ng naturang container sa Sulit. Com o

Ayos Dito, ang sabi pa sa reklamo ay makikitang sobra-sobra ang presyo dahil ang isang unit na 20-footer container van na maaaring gawing office ay maaaring mabili sa halagang P195,000 lamang!

Kahit pa sabihin na may aircon at equipment ang ilagay dito, hindi raw aabot sa P2.54 milyon ang presyo ng naturang container van na nabili ng naturang barangay.

Sa terminong nauunawaan na natin, Tongpats ang akusasyon. Isang NGO daw ang nagsampa.

Pero kung titignan sa kabuuan, posibleng ang pagsasampa ng kaso ay maaaring inisyatiba ng kalabang kampo.

Sabi ko nga parang sa local at national level din ng eleksiyon. Batuhan ng putik.

What I am trying to say, the barangay elections have long ceased to be an apolitical system of governance. It, in fact, mirrors the very rotten and corrupt system that we see in the local and the national level of governance.

Read more...