HOROSCOPE October 29, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: May kalungkutang madarama! Ganyan talaga ang buhay, lahat naman tayo ay dumadanas ng problema. Sa susunod na mga araw makakabawi karin. Sa pag-ibig, kasuyong Cancer  ang tanging nilalang na magpapasaya ng araw. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Om”. Green at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, sa lakas ng loob kikita ka ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, bagong istilo ng pakikipag-romansa ang dapat, upang muling mag-alab ang relasyon. Mapalad ang 1, 7, 16, 25, 28, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra:  “Bhagava-Omita-Om.” Red at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Mabilis na pagkilos ang dapat! Sa pinansiyal, kung patuloy kang kukupad-kupad, mabagal din ang dating ng pera. Sa pag-ibig, wag mag-aksaya ng panahon, yayain ang kasuyo sa isang tahimik na silid. Mapalad ang 6, 9, 27, 35, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Jana-Om.”  Violet at maroon ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Higit kang kikita ng malaking halaga kung sa halip na isip, emosyon at paawa effect ang gamitin. Sa pag-ibig, patuloy ang sarap at ligaya habang nagpapatianod sa tinitibok ng puso. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Hare.” Red at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa pinansiyal, maraming oportyunidad ng pagkakakitaan ang darating habang lumalapit ang Halloween at ang kapaskuhan. Sa pag-ibig, magugulat ka sa kakaibang kapusukan ng kasuyo. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Krisna-Om”.  Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa pinansiyal, hindi sa kayabangan nakukuha ang pagpapayaman, kundi sa pagsisinop ng salapi at ng kabuhayan. Sa pag-ibig, ikaw na ang magpakumbaba, upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 1, 4, 19, 28, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada.”  Orange at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pinansiyal upang magtamo ng malaking kita kailangang kumilos ka. Simulan ang negosyong may kaugnayan sa modernong kagamitan. Sa pag-ibig, nasasawa na ang kasuyo sa mga kuwentong walang kabuluhan, romansahin mo naman kaya siya. Mapalad ang 2, 14, 27, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yokti-Om.” Gold at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Punuin ng pag-ibig ang bawat araw. Mahalin pang lalo ang mga taong nagbibigay sayo ng salapi, upang lalo ka pang umunlad. Sa pakikipag-relasyon  ipadama  pang lalo ang pagmamahal sa kasuyo, upang lalong uminit ang pagiibigan. Mapalad ang 6, 9, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Huwag paglihiman ang kasuyo upang ang relasyon ay hindi mabalaho. Sa pagiging tapat at totoo dagdag na ligaya ang makakamit. Sa pinansyal tuloy ang pag-angat ng kita mula sa mga produktong may kaugnayan sa butil. Mapalad ang 4, 7, 19, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohri-Om-Mohti.” Purple at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Hindi dapat magtiis na lang! Sa pinansiyal, kung hindi ka magsisikap at magsisipag, paano ka makakaahon sa kahirapan? Sa pag-ibig, gawing inspirasyon ang minamahal upang kumita ng maraming-maraming pera. Mapalad ang 7, 16, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Katha-Upanisad-Om”. Black at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Upang lumigaya pairalin ang ugaling materyoso at mapag-mahal. Kung paiiralin ang pagiging materyoso, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, kung papairalin ang pagiging mapagmahal lalo liligaya at sasarap ang relasyon. Mapalad ang 6, 11, 30, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om.” Maroon at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Ipagpatuloy ang pagiging makulit. Sa pinansiyal, sa kakukulit sa kliyente, kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kulitin ang minamahal, upang makuha ang iyong gusto. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Gosvami-Om.” Yellow at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pinansiyal, kung laging nakatikom ang bibig mas maraming pera ang makakamit. Sa pag-ibig, mas magiging maligaya ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Aries kung hindi mo na siya pipintasan. Mapalad ang 1, 12, 23, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Om-Atram,” Blue at maroon ang buenas.

Read more...