BAGO matapos ngayong araw, January 7, ang ginaganap na Metro Manila Film Festival 2023, ay mas marami pang Pinoy ang sumugod sa mga sinehan.
Ito ang dahilan kung bakit sa last day ng taunang filmfest ay umabot na sa mahigit P1 billion ang kabuuang kinita ng 10 official entry.
Opisyal na in-announce ng spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer sa madlang pipol ang good news sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
Kalakip ang ilang litrato ng mahahabang pila sa iba’t ibang sinehan, nagpasalamat ang MMFF executive sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa lahat ng pelikulang kalahok.
Baka Bet Mo: Billy sa natanggap na ‘birthday bash’ ni Alex: ‘Kawawa naman, naaawa na ako sa kanya, sa totoo lang’
“ISANG BILYONG PASASALAMAT … We have reached the 1 BILLION MARK sa box office gross ng 49th METRO MANILA FILM FESTIVAL.
“At ayon sa reports, parang Pasko sa mga sinehan ngayon sa dami ng mga taong naghahabol na panoorin ang kanilang paboritong pelikulang Filipino.
“Ang hiling ng mga kababayan natin #ExtendMMFF —- ano sa tingin niyo, kaya ba nating mapangatawanan ito? Sana!!!
Baka Bet Mo: Andrea del Rosario ‘feeling virgin’ uli sa pakikipag-love scene kay Kych Minemoto sa ‘May December January’
“MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!! Patuloy pa nating suportahan at pasiglahin ang ating industriya ng pelikulang Filipino!!! #49thMMFF #1BillionNa #ForeverGrateful,” ang buong FB post ni Noel.
Nananatiling nasa Top 3 ng MMFF 2023 ang mga pelikulang “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang “Mallari” ni Piolo Pascual at ang “GomBurZa” kung saan nanalong best actor si Cedrick Juan.
Ang Best Picture naman na “Firefly” nina Alessandra de Rossi at Best Child Performer na si Euwenn Mikaell ay patuloy pa ring pinipilihan ngayon sa mga sinehan.