Sharon nanawagan para sa kanyang birthday: Please donate to ‘Pawssion Project’

Sharon nanawagan para sa kanyang birthday: Please donate to ‘Pawssion Project’

PHOTO: Instagram/@reallysharoncuneta

TILA ayaw nang tumanggap ng regalo ni Megastar Sharon Cuneta ngayong ipinagdiriwang niya ang ika-58th birthday.

Ang kanyang request, imbes na bigyan siya ng regalo ay mag-donate nalang sa non-profit animal shelter na “Pawssion Project Foundation.”

Sa Instagram, ibinandera ni Sharon ang isang video clip na ipinapakita kung paano nabuo ang nasabing shelter.

Kalakip niyan ang muling pag-apela ng batikang singer na tulungan ang mga pet animals sa pamamagitan ng pagdo-donate.

“Sincerely I beg you…please, instead of giving me gifts, please donate to @pawssionproject.ph,” panawagan niya.

Baka Bet Mo: Sharon pinaglalaruan lang daw feelings ng Pinoy: ‘Anyare sa ‘yo, Mega!?’

Sey pa niya, “It truly would mean more than any gift you could ever give me for my birthday…Thank you so much. God bless you! [folded hands, red hearts emojis]”

Ipinagdiinan din ni Sharon na ito ang tanging gusto niya para sa kanyang birthday.

“Please…please help @pawssionproject. That is all I want for my birthday,” ani niya.

Hindi ito ang unang beses na nanawagan si Sharon na tulungan ang foundation na malapit sa kanyang puso.

Sa katunayan nga ay kapareho lang din ang naging hiling niya noong Pasko.

Ayon pa nga sa kanyang dating post, labis ang pagmamahal niya sa mga aso kahit ano pa man ang breed nito.

Kaya, aniya, mas maa-appreciate niya kung mas pipiliin ng mga mahal niya sa buhay ang tumulong sa organisasyon na nangangalaga at nagre-rescue sa mga asong inabandona at naabuso.

Noong Nobyembre, nabanggit ng Megstar na mas gusto pa niyang magbigay ng pagmamahal sa mga alaga niyang hayop kaysa sa tao.

Ayon sa actress-TV host at singer, marunong daw kasing magmahal at magpahalaga ang mga hayop kapag binigyan mo rin sila ng walang katumbas na atensyon at pag-aalaga.

Read more...