SI Paolo Contis pala ang nag-file ng kaso sa korte para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Lian Paz. Pero ayon sa aktor, hindi raw ito matatawag na annulment case.
Sa presscon ng bagong teleserye ni Paolo sa GMA 7, ang remake ng Villa Quintana, naikuwento niya na maayos na sila ng dating asawa, pero hindi man niya diretsong sabihin, mukhang hindi rin sila matatawag na magkaibigan.
Ang sey kasi ng Kapuso actor, nang tanungin kung close na uli sila ng dating misis, “Anything about the kids that’s all we talk about.” Ibig sabihin, ayaw na niyang magkaroon pa ng ibang kunek kay Lian liban sa kanilang mga anak.
Agree naman ang aktor sa sinabi ni Lian na wala nang balikang mangyayari sa kanila, “Ah oo naman,” chika ni Paolo.
Nakiusap naman siya na huwag nang masyadong pag-usapan ang tungkol sa ina ng kanyang mga anak, “Sad to say I am not open to talk about it yet because naka-file na yung…hindi,
I don’t wanna call it annulment because it’s not called annulment. “Basta we’re questioning the validity of everything so I filed a case against that, sadly I cannot talk about it.
But the time will come that I will talk about it, especially when it’s over,” dagdag niya. Mas magaan na ba ang pinagdadaanan nila ngayon ni Lian dahil nagkakausap na sila nang maayos, “As I’ve said, our communication is about the kids lang so, kung anong kailangan ng mga bata, alam ko, alam ng mom ko, actually the communication is her to my mom, mom to me.
“Basta anything about the kids, kailangan alam ko yun. Yun lang,” chika pa ng aktor. Kumusta naman ang personal life niya ngayon? “I’m okay, I’m very happy, na ito, taking care of myself, at the same time, trabaho, ito nga.”
May bago na ba siyang nililigawan? “That will be answered soon, one day when the right time comes, that will be answered soon.”
Samantala, tulad ng co-star niya sa Villa Quintana na si Raymart Santiago na magiging karibal niya kay Sunshine Dizon sa kuwento, maganda rin ang aura ni Paolo ngayon.
Niloloko nga sila ng press na naging fresh sila ngayong single na uli. “Talaga lang? Ha-hahaha! Well, salamat! Masaya, masaya ako, I’m very happy, very thankful to GMA dahil meron na naman akong trabaho,” tugon ng aktor.
Samantala, hindi naman big deal kay Paolo na gumanap na tatay ni Elmo Magalona sa Villa Quintana, “Wala naman. Maganda naman yung project and siyempre pasasaan ba’t pupunta ka din dun sa mga ganung klaseng roles, bakit hindi sa ganitong kalaking proyekto ng GMA, di ba?
“When they told me na ako yung magiging father ni Elmo, it’s a challenge to make myself older, di ba?” hirit pa niya.
Refreshing ba na makatrabaho ang mga youngstars ng GMA tulad ni Elmo at ng magiging katambal nito sa serye na si Janine Gutierrez?
“Masarap silang katrabaho. Si Elmo ilang beses ko nang nakatrabaho, si Janine first time ko nakatrabaho. What’s good about kids, siyempre they’re very willing to learn.
“Dinaanan ko naman yun, di ba? Hindi naman ako bully na co-actor para iparamdam sa kanila na bago sila. Napagdaanan ko yun.
“Lahat ng mga nakatrabaho ko sinuportahan ako dati and it’s our turn to support them now. Sabi nga nila, sina Elmo and Janine need a good supporting cast, and that’s what exactly what we’re doing now,” sey pa ng aktor.
Ang afternoon series na Villa Quintana ay sa direksiyon ni Gina Alajar at magsisimula na sa Nov. 4. Kasama rin dito sina Tanya Garcia, Marky Lopez, Juancho Trivino, Rita de Guzman, Roy Alvarez at marami pang iba.
( Photo credit to Google )