EXCITED na ibinalita ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas ang mga next projects niya sa GMA 7 ngayong 2024.
Sa Amerika nag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon ang veteran comedienne kasama ang kanyang pamilya kaya naman mas makabuluhan at mas masaya raw ang kanyang holiday season.
Ang kulang lang daw sa kanilang selebrasyon ay ang isa sa kanyang mga anak na si Andrei. Mensahe niya rito, “Andrei, anak, I love you. Next year, promise, kasama ka na namin magpa-Pasko.”
Nami-miss din daw niya ang mga kaibigan at mga tagasuporta sa Pilipinas na patuloy na nagmamahal at nagtitiwala sa kanya, lalo na ang mga bossing ng GMA 7.
Kaya naman looking forward na raw siya sa mga nakalinyang proyekto na nakatakda niyang sa Kapuso Network ngayong 2024.
Baka Bet Mo: Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy
Sey pa ni Ai Ai, napi-feel niyang maganda mas bongga ang hatid at pasorpresa ng 2024 na Year of the Wood Dragon dahil Year of the Wood Dragon din siya ipinanganak.
Naibahagi ni Ai Ai sa panayam ng “24 Oras” na abangers na sila sa pagbabalik ng 6th edition ng singing talent search ng GMA na “The Clash” sa darating na August.
Baka Bet Mo: Ai Ai: Salamat Lord! Mababait ang mga anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit
Posible rin daw siyang gumawa ng bagong teleserye this year pero wala pa siyang maibibigay na detalye about it.
Nagbigay din siya ng mensahe para sa mga kapwa Pinoy ngayong Bagong Taon, “Lahat po sana tayo ay maging masagana, hindi lang masagana, lahat po sana tayo ay huwag nang magkasakit.
“Matanggal na ang COVID, huminto na siya para lahat tayo makaangat at mag-move forward tayong lahat sa 2024,” ang hiling at dasal ni Ai Ai.
Kamakailan ay nag-show din si Ai Ai, kasama si Martin Nievera at ang nurse na rin ngayon na si Carol Banawa para sa mga Pinoy nurses sa Amerika.
“Siyempre po du’n sa ating mga heroes na mga nurses dito po sa Amerika, Merry Christmas po sa inyo at sana napaligaya po namin kayo,” pagbabahagi pa ni Ai Ai sa naturang panayam.