Tippy Dos Santos wasak na wasak ang puso sa pagkamatay ng inang si Happy

Tippy Dos Santos wasak na wasak ang puso sa pagkamatay ng inang si Happy

John, Happy at Tippy Dos Santos

SA unang pagkakataon ay naglabas ng kanyang saloobin ang singer-actress na si Tippy Dos Santos sa pagkamatay ng kanyang nanay.

Sumakabilang-buhay si Happy Dos Santos sa edad na 58 nitong nagdaang December 30 matapos maaksidente habang nagbabakasyon sila ng kanyang asawang si John Dos Santos sa South Korea.

Nakaligtas si John sa naturang aksidente ngunit patuloy nga itong nagluluksa at nagdadalamhati dahil sa biglaang pagkawala ng kanyang asawa.


Sa kanyang Instagram page, nag-post si Tippy ng kanyang mensahe para sa lahat ng mga taong nakikiramay at nagluluksa rin sa pagkamatay ng pinakamamahal na ina.

“Although we are unable to respond to each and every one of you, please know that we are grateful. There are really no words to express the devastation and heartbreak the loss of my mom has caused us,” simulang pagbabahagi ni Tippy.

Ayon pa sa 29-anyos na abogado, pina-process pa niya at ng kanyang mga kapamilya ang pagkamatay ng ina na talagang ikinagulat ng mga nagmamahal sa ginang.

“Please bear with us as we try to figure out how to live without Mama physically in our lives.

“We hope for your understanding as we are still trying to process the tragedy that has taken Mama from us,” pahayag pa ng singer.

“The care, love, light, and happiness she shared with all of us deserves to always be remembered,” dugtong pa niya.

Kasabay nito, nalaman nga nilang may mga scammer na gumawa ng fake account para manghingi ng pera sa mga netizens gamit ang pangalan ni Ginang Happy.

Agad na nag-warning ang tatay ni Tippy at ang kanyang pamilya sa publiko na huwag maniwala sa sinasabi ng kanyang poser na nanghihingi sila ng tulong pinansiyal para sa pagpapalibing sa misis niya.


Sabi ni John, peke ang Go Get Funding account sa Facebook na gumamit sa pangalan at litrato niya na gusto umanong makalikom ng P500,000 para raw sa “burial fund” ni Happy.

Mariing sinabi ni John na poser niya ang gumawa ng account na iyon, “This is a fake account. I did not set up a go get funding account.

“Someone is trying to take advantage of my wife’s death. Please help me and my family report this. Thank you.”

Sa kanya namang Facebook account,  pinaalalahanan din ni Tippy at ng kanyang kapatid na huwag basta-basta maniniwala sa mga naka-post sa socmed.

“It has been brought to our attention that there has been a ‘get funding’ account set up for our mom’s death.

“Please know that our family is not responsible for this, nor any other future attempts at asking for money for this tragedy.

“It is unbelievable that someone is trying to scam people and is using our mom’s death as a means to do so,” ang nakasaad sa FB post ng mga anak ni Ginang Happy.

Read more...