NAKUNAN ang aktres at celebrity mom na si Empress Schuck sa ikalawang anak sana nila ng asawang si Vino Guingona.
Ito ang dahilan kung bakit parang hindi kumpleto ang kaligayahan ng pamilya nina Empress nitong nagdaang holiday season, lalo na nitong nagdaang Pasko.
Ayon kay Empress Schuck, ang pagkawala ng ipinagbubuntis niyang baby ang isa sa pinakamalungkot na pangyayari sa kanilang family noong 2023.
Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Empress nitong Lunes, January 1, 2024, ang nangyari kalakip ang litrato ng kanyang pregancy test kits.
Ipinost din niya ang sonogram ng kanya sanang magiging baby, at ang photo niya kasama ang husband na si Vino at anak nilang si Athalia.
Sey ng aktres, may additional member na sana ang kanilang pamilya sa pagpasok ng 2024 ngunit hindi nga ito natuloy.
Ani Empress sa kanyang caption, “This year, we would’ve been a family of four or even five.
“From two embryos, to one, then to none.
“I’m still not sure how to talk about it. I just know that sometimes our plans for ourselves don’t align with God’s plans for us,” pahayag ng aktres.
Kasunod nito, super thank you si Empress kay Vino dahil todo ang suportang ibinigay nito sa kanya habang pina-process pa niya ang nangyari sa kanyang puso’t isipan.
“To my husband @vinoguingona who’s been by my side and making sure i feel alright through this puzzling experience, you are truly God’s blessing to me.
“We may not exactly understand how we feel about this but having each other is enough to say that everything will be ok.
“To our family who showed us care and love, thank you and we appreciate all of you,” ang mensahe pa ng aktres sa kanyang mga mahal sa buhay.
Bumuhos naman ang mensahe ng pagsuporta at pakikisimpatya sa pamilya nina Empress mula sa kanyang social media followers, kabilang na ang mga kaibigan niya sa showbiz.
Comment ni Iya Villania, “So sorry to hear this, Empress.”
Post ni Sue Ramirez, “Hugs and prayers, Ate @itsempressita.”
Sabi naman ni Melissa Ricks, “Love you empay… In Gods perfect time (red heart and praying emoji).”
“Awwwwww! Akap. Love you @itsempressita!” sabi naman ni Kitkat.