ISA-ISANG sinagot ni Diana Zubiri ang mga netizens na nangnega sa kanya matapos ibandera ang naranasang pang-iisnab sa isang luxury brand shop.
Tinawag ang aktres na “feeling entitled” at “feeling artista” dahil sa ibinahagi niyang vlog kung saan naikuwento nga niya ang hindi kagandahang experience sa branch ng Louis Vuitton sa Adelaide, Australia.
Sa Adelaide na ngayon naninirahan si Diana kasama ang kanyang pamilya at kamakailan lamang ay nagtungo nga sila ng kanyang biyenan sa naturang luxury store. Hindi raw maganda ang naging trato sa kanila roon.
Wala namang sinabi ang original Sang’gre ng “Encantadia” na feeling na-discriminate sila pero mukhang ganu’n na nga ang ipinaramdam sa kanila ng staff members ng high-end shop.
Sey ni Diana, baka raw kasi hindi sila nakaayos ng kanyang biyenan kaya ganu’n ang naging pagtrato sa kanila kaya umalis na lamang daw sila sa store.
Napanood din sa vlog ng aktres ang pagbalik nila sa nasabing Louis Vuitton branch kasama pa rin ang kanyang biyenan and this time talaga raw nag-ayos na sila nang bonggang-bongga.
At in fairness, mas naging maganda na raw ang pag-estima sa kanila ng mga staff sa store.
Maraming naka-relate sa experience ng aktres pero may mga nambasag din sa ginawa niyang YouTube content.
Comment ng isang netizen patungkol sa celebrity mom at dating sexy actress, “This girl feels entitled … don’t play those Asian discriminations.”
Sagot ni Diana sa kanya, “Obviously u didn’t watch the rest of the vlog haha sharing my first experience.”
Sey naman ng isa pa, “Why make a big fuss, wag feeling artista everywhere na dapat kilala ka lagi.”
Baka Bet Mo: Resbak ni Sharon sa tumawag sa kanya ng ‘feeling entitled’ at ‘ipokrita’: Judgmental na naman? Haaayyyy, mema lang!
Sagot ni Diana, “Obviously u didn’t watch the vlog haha I didn’t ask nor expect to be treated differently. Simply comparing 2 different visits 1 being better than the other.”
May netizen naman ang nagkomento ng, “When I shop I go in and buy my sh*t and get out. I don’t shoot a movie inside.”
Reply sa kanya ng aktres, “Haha we are a daily vlog channel so we shoot everything (laughing emoji). maybe ur new here. Movies are for the cinema or Netflix.”
May nagsabi naman kay Diana na isa raw sa “marketing strategy” ng naturang brand ang paggamit daw ng reverse psychology sa mga clients at customers para bumalik ang mga ito at bumili.
Sey ni Diana, ito ang unang beses na narinig ang nasabing strategy pero mukhang effective raw sa kanya dahil bumalik siya sa shop.