Ariana Grande maglalabas ng bagong album after 4 years

Ariana Grande maglalabas ng bagong album after 4 years

PHOTO: Instagram/@arianagrande

MUKHANG pasabog ang pagsalubong ng international singer na si Ariana Grande para sa taong 2024.

Ilang araw kasi bago matapos ang taon, inanunsyo ng singer na may bagong album siyang ilalabas after 4 years!

Sa pamamagitan ng Instagram post, ipinasilip ng two-time Grammy award winner ang kanyang full-length album.

Ito ang kanyang ika-pitong studio album mula nang inilabas niya ang “Positions” noong 2020.

“See you next year,” wika niya sa IG kalakip ang ilang litrato niya habang nasa studio at nasa harap ng mixing board.

Baka Bet Mo: Ariana Grande sa mga naalarma sa biglaan niyang pagpayat: ‘Healthy can look different…you’re beautiful no matter what you’re going through’

Bukod diyan, may maikling video rin siya sa nasabing post kung saan maririnig ang usapan patungkol sa album.

“Almost the last day of this album,” sey ng kanyang kasama.

Sagot naman niya habang tumatawa, “I’m so tired. But so happy and grateful. I also feel like I weigh 3,000 tons.”

Ang exciting news ni Ariana ay ilang linggo matapos siyang pumirma sa newly-launched firm na “Good World Management” at kasunod ng kanyang pag-alis sa long-term manager na si Scooter Braun.

Ito rin ang unang album na ilalabas niya mula nang siya ay ikinasal at nakipaghiwalay umano sa real estate agent na si Dalton Gomez.

Magugunita na noong Enero pa nang kumalat ang balitang naghiwalay na ang dalawa.

Ang dahilan daw, hindi nag-work out ang kanilang relasyon sa kabila ng pagsubok nilang ayusin ito.

Bukod pa rito, plano na raw nina Ariana at Dalton na mag-file ng divorce para mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Taong 2021 nang ikinasal ang dalawa at hanggang ngayon ay wala pa silang inilalabas na pahayag o kumpirmasyon tungkol sa isyung kumakalat.

Read more...