INALALA ng batikang aktor na si Christopher de Leon ang isa sa mga hindi niya malilimutang pagsubok na hinarap sa buhay.
Ayon sa kanya, ito ‘yung sinugod sa ospital ang kanyang anak na si Miguel matapos ma-diagnose ng testicular cancer.
Paglalarawan pa nga ni Boyet, “That was one of the most terrifying moments in my life when that happened.”
Nag-open up ang veteran actor sa YouTube vlog ng talent manager na si Ogie Diaz matapos siyang kamustahin at ang kanyang pamilya habang pino-promote ang pelikula nila ni Vilma Santos sa Metro Manila Film Festival 2023 na “When I Met You in Tokyo.”
Kwento ni Boyet, kahit busy siya sa taping ‘nung mga panahon na ‘yun ay agad niyang pinuntahan ang anak na nasa Amerika kasama ang kanyang misis na si Sandy Andolong.
Baka Bet Mo: Charo Santos inatake rin ng anxiety dahil sa pandemya: Hinarap ko yung takot ko sa COVID
“The next day, nagpa-book na agad kami [papuntang US], the day after lipad na agad. So pagpasok namin sa ospital, pagdating sa ICU, wala. Unconscious anak ko, ang daming tubo,” pagbabahagi niya.
Chika niya, “I was in shock. I couldn’t cry yet, because I have to be strong, and para kay Sandy at the same time. I don’t want my son to hear me crying, I want him to be strong. Pero may mga instances na tumatabi ako and then I would brawl out.”
“But by the grace of God, nalagpasan niya lahat ‘yun,” aniya pa.
Aminado rin ang aktor na nag-alala rin siya sa laki ng gastos upang mapagamot ang kanyang anak.
Gayunpaman ay lubos siyang nagpapasalamat dahil maganda ang medical care sa Amerika at tila isang milagro ang nangyari.
“I was really worried about the expenses. You know how many days he’s at the hospital – months…dollars. You have to fly back and forth because I was working eh,” sambit niya.
Dagdag niya, “And big operation talaga eh, super! Ang total ay 14 hours to operate.”
“The miracle of everything is that God pay for the bill. Took care of everything. Because insured siya, May Obama California Care…minus, minus, minus and then meron naman ako kahit papaano. God took care of the bill,” aniya pa.
Samantala, kasalukuyan nang ipinapalabas sa mga lokal na sinehan ang reunion movie nina Vilma at Boyet na pinamagatang “When I Met You in Tokyo” na bahagi ng MMFF 2023.
Ito ang unang pelikula na nagtambal ang dalawa matapos ang 14 years.
Kasama rin nila diyan sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Kakai Bautista, at marami pang iba.