IBINANDERA ng actress-model na si Ellen Adarna ang isang komento mula sa netizen na ipinapaliwanag ang tungkol sa “gender pronouns.”
‘Yan ay matapos mag-viral ang inihayag niyang opinyon tungkol sa “situationship” na paglalarawan niya ay confusing at masakit sa bangs katulad ng iba’t-ibang pronouns ngayon ng LGBTQIA+ community.
Magugunita na dahil sa sinabi ni Ellen ay nakatanggap siya ng open letter mula kay Miss Trans Global 2020 Mela Habijan.
Sa Instagram Stories, ni-repost ni Ellen ang mahabang mensahe ng isang netizen na tila ipinagtatanggol siya sa naging saloobin niya pagdating sa “gender pronouns.”
Narito ang buong pahayag ng netizen:
“Just for everybody’s information: Not all gays, lesbian and etc. condones the STUPID PRONOUNS IDEOLOGIES, some of them even claimed to be not part of the ‘lgbt community’ because of its toxicity and misrepresentation to people who are not straight.
Baka Bet Mo: Liza Soberano nasaktan sa komento ni Boy Abunda: I felt like misunderstood by you
“Jefree Star a famous American influencer, cross-dresser gay, and many many conservative gays believe that THERE ARE ONLY TWO GENDERS (period), and are persuaded that pronoun-ideologies (they/them/zir/zem/xei chuchu) is just stupid and foolish, created by bored, WOKE people from pandemic.”
“They tend to be AWAKE, and believing that there are only two genders in the world and there is nothing in between. Some even don’t swallow the TRANS and non-bianry thingy foolishness.”
Ayon kay Ellen, marami siyang natatanggap na mensahe na tulad ng kanyang ni-repost mula sa ilang LGBT member.
Tila nagpasintabi pa siya sa kanyang post at pabirong sinabi na baka makakuha ulit siya ng open letter dahil sa kanyang post.
“Got a lot of DMs like this from the LGBT++ (sorry if may kulang) baka ma-offend na naman kasi kulang [smiling face emoji] baka ma-open letter na naman tayo [laughing emoji] based on comments and some messages I received, the silent majority have more important things to do in life than have a Master or PhD in pronouns ++,” caption niya sa IG Story.
Recently lang, kinuyog ng ilang bashers ang aktres matapos mag-trending ang open letter ni Mela.
May nagsabi pa nga sa kanya na isa siyang anti-LGBT kaya ia-unfollow na niya raw si Ellen.
Sinagot naman siya ng model-actress at sinabing, “Sino nagsabi? You? Fake news? My best friend since high school is lesbian, I have a lot of close friends who are gay.”
“I’m not anti-[gay], I love them. Na-confuse lang ako sa pronouns, anti-[gay] na? Umayos ka nga…kung gusto mo block kita,” saad pa niya.