Winwyn Marquez ibinandera na ang fiancé sa madlang pipol

Winwyn Marquez ibinandera na ang fiancee sa madlang pipol

Winwyn Marquez

TULUYAN nang ibinandera ng actress-beauty queen na si Winwyn Marquez ang kanyang non-showbiz fiancé sa publiko.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw ng Kapaskuhan, tuluyan na ngang ipinakilala ng Kapuso star ang kanyang soon-to-be hubby.

“Sending you warm Christmas wishes from our family to yours! May this season bring a renewed sense of hope, faith, and love into your lives,” pagbati ni Winwyn.

Dagdag pa niya, “Let us all pray for healing and peace for ourselves and for the world around us.”

Ngunit sa kabila ng pagpapakilala ni Winwyn sa kanyang fiancé ay tila nais pa ring protektahan ni Winwyn ang pribadong buhay nila dahil limitado ang maaaring mag-comment sa kanyang post.


Baka Bet Mo: Winwyn Marquez suportado na ang pagsali ng transgender women sa Miss Universe: ‘I’m really OK with it!’

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post ng actress-beauty queen.

“Merry Christmas Winwyn, Luna, and Rain,” saad ng kanyang “Eat Bulaga” co-host na si Kimpoy Feliciano.

Comment naman ng isa, “Merry Christmas to your family!!! First time seeing your hubby. Nice family picture.”

Puring-puri rin ang anak ni Winwyn na si Baby Luna dahil sa sobrang cute nito.

“Merry Christmas parang doll ang baby nyo ang cute,” chola ng isang netizen.

Hirit pa ng isa, “Parang manika po ang baby n’yo, Ate Winwyn! Super pretty!”

Sa hiwalay na post ay ibinandera rin niya si Baby Luna.

“A heart full of love and a bond that shines bright under the Christmas lights. Grateful for my sweetest baby, making every moment the happiest. Thank you, for filling our Christmas with endless joy,” mensahe ni Winwyn sa anak.

Read more...