Ellen Adarna sinopla ang nagsabing ‘anti-gay’ siya: Kung gusto mo block kita!

Ellen Adarna sinopla ang nagsabing 'anti-gay' siya: Kung gusto mo block kita!

PHOTO: Instagram/@maria.elena.adarna

HINDI inurungan ng actress-model na si Ellen Adarna ang ilang bashers na kumuyog sa kanya matapos mag-trending ang “open letter” ni Miss Trans Global 2020 na si Mela Habijan para sa kanya.

Magugunitang unang nag-viral ang post ni Ellen matapos niyang ihayag ang kanyang saloobin tungkol sa “situationship.”

Paglalarawan ng aktres, masakit ito sa bangs at confusing tulad ng iba’t-ibang “pronouns” ngayon ng LGBTQIA+ community.

Dahil sa opinyon ni Ellen, tila sinermunan siya ni Mela at sinabi pa na kung siya ay may “true compassionate” at respeto ay susubukan niya itong intindihin at pag-aralan.

Anyway, muling nagsagawa ng Q&A sa Instagram Stories si Ellen at may iilang bashers nga siyang sinagot.

Baka Bet Mo: Netizens umalma nang tawaging ‘mukhang unggoy’ si Melai ng anak, depensa ng komedyana: Joke-joke lang kasi ‘yun guys!

Isa na riyan ang isang IG user na sinabing, “Didn’t you know you were anti-LGBT? OMG I am unfollowing [you].”

Sagot naman sa kanya ng model-actress, “Sino nagsabi? You? Fake news? My best friend since high school is lesbian, I have a lot of close friends who are gay.”

“I’m not anti-[gay], I love them. Na-confuse lang ako sa pronouns, anti-[gay] na? Umayos ka nga…kung gusto mo block kita,” saad pa niya.

May isang netizen ang nagsabi pa na, “They hate you now for being confused.”

Reply sa kanya ni Ellen, “If you’re a follower for quite a while. I think you know, it’s obvious that I’m not a people pleaser and hate comes along with that.”

“I’m used to it and I don’t have any problems with being hated at all, they can hate all they want. I don’t know them naman,” wika pa niya.

May nabasa pa kami na nagpaabot ng kanyang komento at sinabing, “Some people doesn’t like honest opinion.”

Sey ni Ellen, “I’m just human. I don’t like some people’s honest opinions, but I have to respect that because that’s their opinion.” 

“I will not make an issue or drama out of it because that’s theirs,” patuloy niya.

Paliwanag pa niya, “We’re different. We have different perspectives, views in life, different priorities and yeah, just respect that.”

Read more...