DOH may ‘tips’ para iwas stress ang mga alagang hayop sa ingay ng paputok

DOH may ‘tips’ para iwas stress ang mga alagang hayop sa ingay ng paputok

INQUIRER file photo

SA paghahanda ng papalapit na Bagong Taon, naglabas ng paalala ang Department of Health (DOH) kaugnay sa mga alagang hayop na posibleng maapektuhan ng mga putukan.

Sinabi ng DOH sa isang pahayag na kailangan ding bigyan-pansin ang mga furry pets dahil hindi natin alam ay madalas silang nakararanas ng “stress” dahil sa ingay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

“Understanding that pets, like dogs, perceive these events differently, it’s necessary to acknowledge the potential distress they experience,” sey sa advisory ng ahensya.

Paliwanag pa, “The loud and unpredictable noises from fireworks can trigger a heightened fight-or-flight response in dogs, manifesting as anxiety, restlessness, and other signs of discomfort.”

Baka Bet Mo: Kim Chiu biglang naiyak habang nasa Disney World: Wala naman akong mabigat na pinagdaraanan pero…

Kasunod niyan ay nagbigay ng ilang tips ang Health Department upang matiyak na magiging safe at kalmado ang mga alagang hayop, lalong lalo na ang mga aso’t pusa.

“Bring your dog indoors during fireworks displays, creating a secure environment that mitigates the risk of them running away in fear; utilize a crate if your dog is crate-trained or designate a quiet room with familiar items, such as music or white noise, to provide a comforting atmosphere,” advise DOH.

Inirerekomenda din ng DOH ang paggamit ng tinatawag na “wraps” o kaya naman ay sanayin ang mga pets pagdating sa mga ingay.

“Explore the use of calming wraps, vests, or shirts, which apply gentle pressure and have been known to alleviate stress in many dogs,” dagdag sa advisory.

Bukod diyan ay maaari rin daw gumamit ng “tags” upang madaling mahanap ang kanilang pets sakaling sila ay makatakas dahil sa taranta ng ingay ng putukan.

 

Read more...