Jennie ng Blackpink may label company na, solo journey sisimulan sa 2024

Jennie ng Blackpink may label company na, solo journey sisimulan sa 2024

PHOTO: Instagram/@jennierubyjane

ILANG oras bago ang Pasko, ibinandera ni Jennie Kim, ang isa sa mga mga miyembro ng K-Pop girl group na Blackpink, ang regalo para sa sarili.

Ito ay ‘yung pagtatag niya ng sariling label company na tinawag niyang “OA” o “Odd Atelier.”

Inanunsyo niya ang bagong milestone sa social media at ayon pa sa kanya, ito ay bilang marka ng pagsisimula ng kanyang solo journey sa taong 2024.

“Hi, this is Jennie. This year was filled with many accomplishments, and I’m so thankful for all the love I’ve received,” wika niya sa Instagram post.

Anunsyo niya, “I’m also excited about what’s to come, as I start my solo journey in 2024 with a company that I have established called OA.”

“Please show lots of love for my new start with OA and, of course, BLACKPINK,” wika pa niya sa IG.

Baka Bet Mo: Xian Gaza ibinandera ang billboard proposal kay Blackpink Jennie; pwede nga bang kasuhan sa Korea?

Dahil sa kanyang post, tila tinuldukan ng K-pop star ang mga tsismis matapos mag-viral sa social media ang ilang screenshots ng website ng nasabing kumpanya na sinabing nagsimula umano si Jennie ng sarili niyang label.

“OA, which stands for Odd Atelier, is a space that aims to create new things that attract attention in a different way from what is usual or expected. It is a label founded by artist Jennie in November 2023,” saad sa description ng OA website.

Heto pa ang nakalahad sa Bio ni Jennie sa nasabing website:

“Jennie debuted in 2016 as a member of Blackpink, and is now one of the most influential artists of the K-pop era. She is a singer, rapper, actor, and fashion icon with global influence. 

“Other than her world record-breaking career as part of Blackpink, she became the first Korean female solo artist to top the iTunes worldwide song chart with her solo single Solo’ in 2018, hit No. 1 on Billboard’s World Digital Song Sales chart, and earned numerous accolades as well.”

Nitong buwan lamang, inanunsyo ng YG Entertainment na nag-renew sa kanila ng kontrata ang lahat ng miyembro ng Blackpink.

“We have successfully reached an agreement within our board of directors regarding the signing of exclusive group contracts for all four members of Blackpink, our esteemed artists,” sey ng YG sa isang pahayag.

Noong Setyembre lamang, natapos ng Blackpink ang kanilang international “Born Pink” tour kung saan aabot sa halos 1.8 million ang dumalo at umani ng 300 billion won o mahigit P12 billion.

Read more...