Faith da Silva na-meet for the first time ang amang si Dennis da Silva

Faith da Silva na-meet for the first time amg amang si Dennis da Silva

SA kauna-unahang pagkakataon ay nakita na ng Kapuso actress na si Faith da Silva kasama ang kambal na si Silas ang kanilang ama na si Dennis da Silva.

Nangyari ang emosyonal na pagtatagpo ng tatlo nitong Miyerkules, December 20.

Sa katunayan, ibinahagi ni Faith ang kanilang larawan together sa kanyang Instagram account.

Saad ng aktres sa kanyang caption, “Thank you God for this heart warming gift this Christmas.”

Nagpasalamat rin si Faith sa kanyang kasamahan sa programang “TikToClock” na si Kuya Kim Atienza maging kay General Gregorio Catapang na siyang nag-ayos upang magkita ang mag-aama sa Maximum Security Bucor sa Muntinlupa, kung saan nakakulong ang dating aktor.

“Grateful for @kuyakim_atienza and General Gregorio Catapang for making this happen,” sey pa ng dalaga.

Baka Bet Mo: Faith da Silva niyayang lumafang sa karinderya ang ka-date na lalaki, ‘nag-propose’ sa gitna ng EDSA: ‘Would you like to be my boyfriend?’

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens ang heartwarming reunion nina Faith at Silas sa kanilang ama.

“Hugs [heart emoji] God is good,” saad ni Kuya Kim.

Dagdag pa niya, “Love u [Faith] and Silas and Dennis and Tina.

“Hala bakit ako umiyak dito..yan ganyan dapat ang anak wag mgtanim ng galit sa ama kht anung sama baka ng bago narin dennis ang pogiii nya noon,” comment naman ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Faith da Silva handa na sa galit ng BarDa fans: ‘Wala akong pake, basta kumikita ako! I-bash nila ako nang i-bash, yayaman ako nang yayaman’

Sey pa ng isa, “So happy for you and your brother, Faith.”

“Ito na ang best gift yun hugged ng daddy nio.. happy ako sainyo at the same naluluha din. love you @faithdasilva_ @silasdearest,” hirit naman ng isa.

Sina Faith at Silas ay anak ng dating aktor na si Dennis kay Tina King at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkita-kita ang mag-aama.

Read more...