Bagong tulong para makita, iwasan, at iulat ang mga scam sa maraming wika

Alam mo ba? Nakakapagsalita ng iba’t ibang klaseng wika ang mga scammers. 

Dahilan ito kaya tumatanggap na ngayon ang FTC ng mga ulat sa Mandarin, Tagalog, Vietnamese, Pranses, Arabic, Koreano, Ruso, Portuges, Polish, at marami pang ibang wika. Tawagan ang FTC sa (877) 382-4357, pindutin ang 3 para makipag-usap sa isang tagasalin ng wika. Para mag-ulat ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan (identity theft), tumawag sa (877) 438-4338 at piliin ang opsyon para sa mas gusto mong wika. Bukas ang mga linya sa pagitan ng 9am-5pm Eastern Time.

Mas gusto mo bang mag-ulat online? Para mag-ulat gamit ang Ingles, bumisita sa ReportFraud.ftc.gov o IdentityTheft.gov — o kaya para naman mag-ulat gamit ang Espanyol, pumunta sa ReportFraude.ftc.gov o RobodeIdentidad.gov. Agad kang makakakuha ng gabay sa mga susunod na hakbang. 

Bukod dyan, ngayon ay makakahanap ka na ng payo sa isang dosenang wika sa ftc.gov/languages. Doon ay maaari mong malaman kung paano maiiwasan ang scam, kung ano ang gagawin kung nagbayad ka sa isang scammer, at kung paano maiiwasan ang mga scam na pinupuntirya ang iyong maliit na negosyo. Mayroon pang handbook tungkol sa panloloko para sa mga dumating kamakailan lamang sa Estados Unidos.

Mas gusto mong makakuha ng naka-print na impormasyon? Sa ftc.gov/bulkorder, puwede kang mag-order ng mga libreng publikasyon sa maraming wika, tulad ng How To Avoid a Scam (Paano Maiiwasan ang Scam) at Scams and Your Small Business (Mga Scam at ang Iyong Maliit na Negosyo) sa pinasimpleng Tsino, Koreano, at Vietnamese. Pumunta lamang sa sa ftc.gov/ordenar para mag-order sa Espanyol.

Nakuha mo man ang impormasyon ng FTC online o nang naka-print, umaasa kaming ibabahagi mo ang mga ito sa iyong pamilya at mga kaibigan sa iyong mga komunidad. Sa pamamagitan ng pagbibigay alam tungkol sa mga scam at pag-uulat na nakikita mo, makakatulong kang mapatigil ang mga ito at maprotektahan ang iyong komunidad. 

I-report ang napagalamang scam sa https://www.ftc.gov/languages/Tagalog.

ADVT.

Read more...