Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano
SINARIWA ng public service program na “CIA with BA” ang buhay at legacy ng yumaong Sen. Rene Cayetano, ama ng mga host na sina Alan Peter at Pia Cayetano, kasama si Boy Abunda.
Sa episode nitong Linggo, December 17, nagbigay ng tribute ang 45th Catholic Mass Media Awards (CMMA) Best Talk Show nominee kay Cayetano, na kilala bilang si “Compañero.”
Ito’y sa pamamagitan ng isang spoken word poetry mula kay Juan Miguel Severo, na ibinibida ang kanyang pamumuno, ang kanyang mga naging kontribusyon sa lipunan bilang politiko at bilang tao, at kanyang pagiging ama.
“Sa lahat ng kilala si Tatay, he would have really appreciate it dahil may naiwan pala siya na nakatulong sa next generation,” saad ni Sen. Alan.
Baka Bet Mo: Boy, Alan, Pia tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong at pagbibigay ng legal advice sa ‘CIA with BA’ season 3
“He loved being with people. Passionate talaga siya to be with different people, to be part of different groups, to be a mover, and to get to know them… we’re very proud,” sabi naman ni Sen. Pia.
Ipinanganak noong December 12, 1934, si “Compañero” ay isang tanyag na mambabatas at mas lalong nakilala dahil kanyang program sa radyo at telebisyon na “Compañero y Compañera,” mula 1997 hanggang 2001.
Pumanaw siya dahil sa sakit na cancer noong 2003 sa edad na 68.
Dalawang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ng “CIA with BA” at Infinite Monkeys Digital PR Communications ang nominasyon na nakuha ng “Compañero: Remembering Sen. Rene Cayetano (Christmas Special)” bilang Best TV Special sa CMMA.
Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.