Pagkamatay ni Ronaldo Valdez iniimbestigahan na ng QCPD, PNP nakiusap sa publiko

Pagkamatay ni Ronaldo Valdez iniimbestigahan na ng QCPD, PNP nakiusap sa publiko

Ronaldo Valdez

INIIMBESTIGAHAN na ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkamatay ng veteran actor na si Ronaldo Valdez kahapon, December 17.

Ito’y matapos kumpirmahin ng mga operatiba ng QCPD na natagpuan ang bangkay ng beteranong aktor na may hawak na .45 pistol.

Ayon sa ulat, nasa upuan si Ronaldo o  James Ronald Dulaca Gibbs sa tunay na buhay nang bawian ng buhay at nasa kamay nga nito ang isang baril.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang driver ni Ronaldo na si Angelito Oclarit, ang unang nakakita sa bangkay ng aktor kahapon sa loob ng kwarto nito.

“We are at present conducting a thorough investigation to ascertain the cause of the death of Mr. James Gibbs aka Ronaldo Valdez,” ang pahayag ni QCPD director Brig. Gen. Redrico Maranan.

“We understand the importance of this matter, hence, we are working diligently to gather all relevant facts and evidence,” aniya pa sa isang panayam.

Baka Bet Mo: Ilang celebs na nakiramay, nagluluksa sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez

Siniguro naman ng pamunuan ng QCPD na ilalabas nila sa publiko ang magiging resulta ng ginagawa nilang imbestigasyon sa lalong madaling panahon.

“We also urge the public to refrain from concluding and respect the family’s request to grieve in private,” ang sabi pa ng pinuno ng QCPD sa isang statement.

Ayon naman kay Cpt. Adhrin Domingo ng Scene of the Crime Operatives ng QCPD, naka-recover sila sa kuwarto aktor ng caliber .45 Norinco pistol na may serial number 454697 na may nakalagay na empty magazine.

Ngayong araw, naglabas ng official statement si Janno hinggil sa pagpanaw ng ama sa pamamagitan ng social media, “It is with great sorrow that I confirm my father’s passing.

Pakiusap pa niya sa publiko, “that you respect our privacy in our grieving moment. Your prayers and condolences are much appreciated.”

Read more...