Pelikula ng mag-amang Janno, Ronaldo ipapalabas pa rin kaya sa Enero?

Pelikula ng mag-amang Janno, Ronaldo ipapalabas pa rin kaya sa Enero?

PHOTO: Instagram/@jannolategibbs

ALAM niyo bang may bagong pelikula ang mag-ama na sina Janno Gibbs at Ronaldo Valdez?

Kasabay ng malungkot na balitang sumakabilang-buhay na ang batikang aktor ay tila naging usap-usapan din sa social media ang upcoming movie ng dalawa na nakatakdang ipalabas sa darating na Enero.

Marami ang umaasa na sa kabila ng nangyari ay matutuloy pa rin ang inaabangang pelikula nila.

Bukod sa pinagbibidahan ni Janno, ito rin ang kanyang directorial debut.

Noong Hulyo, ibinandera ng komedyante ang pasilip kung saan makikita ang isang eksena ng taping ng kanyang ama.

Proud pang sinabi ni Janno na siya mismo ang nagdidirek sa kanyang ama.

“Directing my Papa [clapper board emoji] What an honor and absolute pleasure [black heart emojis],” wika niya.

Baka Bet Mo: Ilang celebs na nakiramay, nagluluksa sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez

Nag-post din ang komedyante sa kaarawan ng legendary actor noong Nobyembre at doon niya inihayag ang galak na nararamdaman niya dahil kasama niya sa isang pelikula ang ama.

“Happy Bday Papa! What a joy to share the screen w/ you. And such a privilege to have directed you,” wika niya sa dating IG post.

Ani pa niya, “We had fun,didnt ddnt we?! Labyu [kissing emoji] Our film arrives in cinemas this January.”

Makikita sa comment section na nag-reply sa kanya ang ama at sinabi niya na proud na proud siya sa kanyang anak.

“Tnk U,Son! U Do Me Proud!! Luv Ya!!! [lips, heart emojis],” saad ng namayapang batikang aktor.

Umaga ng December 18 nang kumpirmahin ni Janno na pumanaw na si Ronaldo sa edad na 76.

“It is with great sorrow that I confirm my father’s passing,” sey ni Janno sa isang maikling Instagram post.

Mensahe pa niya sa publiko, “The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment.”

“Your prayers and condolences are much appreciated,” aniya pa.

Read more...