KINUMPIRMA ng actor-comedian na si Janno Gibbs ang pagpanaw ng kanyang ama at veteran actor na si Ronaldo Valdez.
“It is with great sorrow that I confirm my father’s passing,” sey ni Janno sa isang maikling Instagram post.
Mensahe pa niya sa publiko, “The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment.”
“Your prayers and condolences are much appreciated,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Ronaldo Valdez: Napakasarap kasama ni Kathryn tapos ang galing-galing pa, si Daniel naman para ko na talagang apo
Sa comment section, maraming celebrities ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa naiwang pamilya ng yumaong legendary icon.
Kabilang na riyan sina Jerald Napoles, Rocco Nacino, Vina Morales, Aiko Melendez, Janice de Belen, John Arcilla, Mark Bautista, at marami pang iba.
Kinumpirma ng Quezon City Police District ang pagkamatay ng beteranong aktor noong December 17, base sa ulat ng ABS-CBN.
Ngunit wala pang inilabas na mga detalye ang pamunuan ng QCPD tungkol sa naging sanhi ng pagpanaw ng ama ng singer-comedian.
Ilan sa mga proyektong ginawa ni Ronaldo na tumatak sa sambayanang Filipino ay ang mga pelikulang “Cedie”, “The Flor Contemplacion Story”, “Seven Sundays” at marami pang iba.
Napanood din siya sa mga teleseryeng “Mula Sa Puso”, “FPJ’s Ang Probinsyano,” “I Love Betty La Fea” at ang hit digital series na “2 Good 2 Be True” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.