SB19 Josh Cullen payag maging next coach ng ‘The Voice’, pero…

SB19 Josh Cullen payag maging next coach ng ‘The Voice’, pero…

PHOTO: Instagram/@josh_cullen_s

POSIBLENG pumayag maging susunod na coach ng ‘The Voice’ ng ating bansa ang isa pang SB19 member na si Josh Cullen.

‘Yan ang sinagot niya sa ilang miyembro ng entertainment press matapos siyang hingan ng reaksyon tungkol dito.

“If I’m gonna be honest, it’s okay. Of course, it’s okay. Kung ako siguro ‘yung magiging coach for ‘The Voice Generations’ for the next season, I’ll do my best, of course,” sey niya.

Ngunit aminado rin si Josh na hindi raw ang pagiging coach sa nasabing TV singing competition ang hilig niya or nais gawin.

“Pero for me, I feel like I should choose someone else like Pablo or si Ken…siguro it’s not my thing,” dagdag niya.

Paliwanag pa niya, “I mean, magaling akong magturo, mag-judge ng skill ng tao. If given a chance, I’ll do it, pero siguro I’ll ask my members.”

Baka Bet Mo: Josh Cullen game sa aktingan: ‘Gusto ko parang psycho, ‘yung medyo uncommon’

Magugunitang huling ipinalabas ang ‘The Voice Generations’ noong December.

May 16 episodes ang nasabing show ng GMA Network na nag-premiere noong August 27.

Kabilang sa mga coach ay si Stell ng SB19, Billy Crawford, Chito Miranda, at Julie Anne San Jose.

Ang nagsisilbing host naman ng TV series ay ang batikang aktor na si Dingdong Dantes.

Samantala, inilabas na ang bagong single ni Josh na pinamagatang “Get Right.

“Basically, ‘yung kanta is just, parang, a declaration of my return sa solo journey ko,” sambit niya sa naganap na press conference kamakailan lang.

Paliwanag niya, “Kasi I always take a chance to explore whenever we are not doing something. Especially now, it’s gonna be a Christmas break so a lot of them magpapahinga, magbabakasyon. So I will take this opportunity to grow as an artist.”

Ibinunyag din ng P-Pop idol na maraming pasabog ang aabangan ng fans mula sa kanya, pati na rin sa SB19.

Read more...