Veteran actor Ronaldo Valdez pumanaw na

Veteran actor Ronaldo Valdez pumanaw na

Ronaldo Valdez

NAGLULUKSA ngayon ang entertainment industry sa pagpanaw ng award-winning veteran actor na si Ronaldo Valdez. Siya ay 76 years old.

Kinumpirma ng Quezon City Police District ang pagkamatay ng beteranong aktor noong December 17, base sa ulat ng ABS-CBN.

Ngunit wala pang inilabas na mga detalye ang pamunuan ng QCPD tungkol sa naging sanhi ng pagpanaw ng ama ng singer-comedian na si Janno Gibbs.

Baka Bet Mo: Ronaldo Valdez: Napakasarap kasama ni Kathryn tapos ang galing-galing pa, si Daniel naman para ko na talagang apo

Ikinabigla ng mga kasamahan ni Ronaldo sa mundo ng showbiz ang malungkot na balita lalo na ng mga nakatrabaho niya sa teleserye at pelikula.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag ang pamilya ng veteran actor.

Ilan sa mga proyektong ginawa ni Ronaldo na tumatak sa sambayanang Filipino ay ang mga pelikulang “Cedie”, “The Flor Contemplacion Story”, “Seven Sundays” at marami pang iba.

Napanood din siya sa mga teleseryeng “Mula Sa Puso”, “FPJ’s Ang Probinsyano,” “I Love Betty La Fea” at ang hit digital series na “2 Good 2 Be True” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Read more...