‘Parade of Stars’ ng MMFF aarangkada na, pagkakasunod ng mga float ibinandera

‘Parade of Stars’ ng MMFF 2023 asahan sa CAMANAVA area sa Dec. 16

PHOTO: Facebook/Valenzuela City

SA kasaysayan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ay mukhang itong 2023 ang may pinakamahabang oras.

Ito ay dahil apat na lungsod ang dadanan ng sampung float para sa “Parade of Stars” kung saan nakasakay ang mga artistang may kanya-kanyang pelikula na mapapanood simula sa Disyembre 25 sa pamumunno ni MMDA Atty. Romando Artes with Atty Rochelle Ona and MMFF spokesperson Noel Ferrer.

Bukas, Sabado, Disyembre 16 ang parada sa Caloocan City, Malabon City, Navotas at magtatapos sa Valenzuela City.

Ayon sa taga-MMFF ay normal na ang tatlong oras na inilalaan sa “Parade of Stars” taun-taon pero dahil sampu ang kalahok na pelikula ngayong 2023 at marami pang malalaking artista kaya tiyak na lampas sa apat na oras ito at mabagal pa ang usad for sure.

Dahil nu’ng panahon daw na Indie movies ang kalahok sa MMFF ay sobrang bilis daw natapos dahil walang masyadong tao sa daan na nakisaya at nanood.

Baka Bet Mo: ‘Parade of Stars’ ng MMFF 2023 asahan sa CAMANAVA area sa Dec. 16

Anyway, narito ang float sequence:

1. FIREFLY – Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayo Aguila, at Max Collins.

2. WHEN I MET YOU IN TOKYO – Vilma Santos, Darren Espanto, Cassy Legaspi at Christopher de Leon.

3. REWIND – Dindong Dantes at Marian Rivera.

4. BROKEN HEARTS’ TRIP – Christian Babbles, Teejay Marquez, Marvin Yap, Petite, Iya Minah, Andoy Ranay at iba pa.

5. MALLARI – Piolo Pascual, Elisse Joson, JC Santos, Janella Salvador at Ms Gloria Diaz. Kasama rin ang mga bagets na sina Angelie Sanoy, Audrey Alquiroz, Tommy Alejandrino, John Ventura, James Clarence Fajardo, Ali Abatayo at Ron Angeles.

6. PENDUKO – Matteo Guidicelli, Kylie Verzosa, John Arcilla at iba pa.

7. GOMBURZA – Enchong Dee, Cedrik Juan, Dante Rivero, Elijah Canlas, at iba pa.

8. FAMILY OF TWO – Alden Richards, Miles Ocampo, Pepe Herrera, Jackie Lou Blanco and Sharon Cuneta.

9. K(AMPON) – Derek Ramsay, Zeinab Harake, Erin Espiritu at Beauty Gonzales

10. BECKY and BADETTE – Eugene Domingo, Romnick Sarmenta, at Pokwang.

At speaking of float ay pinadalhan kami ni Mentorque President, John Bryan Diamante ng video habang ginagawa ang “Mallari” float at nagulat kami dahil pinalagyan niya ng dalawang aircon para sa pahingahan at may sarili pang kuwarto at pinalagyan din ng ladies/men’s room.

Ang katwiran ni Bryan kaya niya pinalagyan ng aircon at banyo ay dahil nga sa sobrang haba ng parada.

Aniya, “Sinigurado natin na hindi lang bongga kundi well taken cared off ang stars and crew ng ‘Mallari’ living it up to the Warner Bros Standard, he, he.”

Nag-iisa ka talaga John Bryan Diamante.

Read more...