SB19 isa sa mga binigyan ng ‘Hot Trend Award’ sa Asia Artist Awards 2023

SB19 isa sa mga binigyan ng ‘Hot Trend Award’ sa Asia Artist Awards 2023

PHOTO: Instagram/@officialsb19

MAY bagong milestone ang Pinoy pop sensation na SB19!

Nakuha nila ang “AAA Hot Trend Award” mula sa Asia Artists Awards (AAA) 2023.

Habang sinusulat namin itong article ay on going pa rin ang nasabing event na ginaganap sa Philippine Arena sa Bulacan.

Hindi lang SB19 ang binigyan ng nabanggit na award, ilan din sa mga nakatanggap nito ay ang K-Pop girl group na NewJeans, pati na rin sina Lim Young Woong, Ahn Hyo Seop, at Lee Junho.

At dahil pinarangalan nga ang SB19 ay nabigyan sila ng pagkakataon na pasalamatan ang lahat ng sumusuporta sa kanila.

“Thank you God, for giving us the strength to help us get through everything,” panimula ng isa sa mga miyembro ng grupo na si Pablo.

Patuloy niya, “And of course, for giving us A’TIN. Also, we would like to thank our managers and our staff who’s always behind us and doing all the dirty work, helping us to get through everything.”

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar kinilalang ‘2023 Global Influencer’ sa South Korea

“We just really want to say we’re proud of you (A’TIN). Thank you so much,” ani niya.

Sambit naman ni SB19 Josh, “This is our first time to be part of the Asia Artist Awards and it’s such a big milestone, not just for SB19 but for every Filipinos out there.”

“We can say that we made it and we’re achieving our dreams. Thank you so much, especially to A’TIN and all of the people behind us,” proud na lahad niya.

Ani naman ni Ken, “Thank you so much. We love you.”

Para sa mga hindi masyadong aware, ang AAA ay isa sa mga biggest entertainment ceremonies sa South Korea kung saan kinikilala ang mga mang-aawit at aktor na may malaking impact sa music, film at television.

Para sa iba, ang awarding event ay katumbas ng pinagsamang Grammys at Oscars na tampok din ang iba’t-ibang performances.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-host ang Pilipinas ng nabanggit na event in collaboration with StarNews, TONZ Entertainment, and PULP Live World.

Read more...