Anne Curtis magbabalik serye na, bibida sa ‘It’s Okay to Not Be Okay’

Anne Curtis magbabalik serye na, bibida sa ‘It’s Okay to Not Be Okay’

PHOTO: Instagram/@annecurtissmith

MAKALIPAS ang siyam na taon ay muling sasabak sa teleserye ang TV host-actress na si Anne Curtis.

Ibinalita ‘yan mismo ng official Instagram account ng Kapamilya Online World kasabay ng anunsyo na si Anne ang bibida sa Philippine adaptation ng Korean hit na “It’s Okay to Not Be Okay.”

Makakasama niya riyan ang Kapamilya stars na sina Joshua Garcia at Carlo Aquino.

“Joshua Garcia, Carlo Aquino and Anne Curtis will headline the Philippine adaptation of the 2020 hit South Korean series of Netflix, #ItsOkayToNotBeOkay,” sey sa caption kalakip ang collage picture ng tatlo.

Ani pa sa post, “This will serve as Anne’s comeback series in ABS-CBN after 9 years!”

Baka Bet Mo: Kaila Estrada gusto ring maging action star at gumanap na psycho: ‘I’m very inspired by Anne Curtis’ movie na Buy-Bust’

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa pagbabalik ni Anne:

“This is a perfect role for Anne… I think Carlo will play the role of Kim Soo Hyun while Joshua will play the autistic brother…”

“Bagay kay Anne but I’m not sure about Carlo and Joshua.”

“Very challenging ‘to na character for Anne …wish her the best..”

“Si Anne talaga ang perfect sa female lead dito. Carlo and Joshua both talented actors pero Joshua is overexposed na. Maiba naman sana.”

Kung matatandaan, taong 2020 nang ipinalabas ang Korean series ng kaparehong titulo sa Netflix.

Binubuo ito ng 16 episodes na pinagbibidahan ng Korean stars na sina Kim Soo-hyun at Seo Ye-ji.

Ang kwento ng nasabing serye ay tungkol sa dalawang tao na ang kakaibang pag-ibig ay nagbigay-daan sa paghilom ng kanilang mga emosyonal at physcological na trauma. 

Napabilang noon ang “It’s Okay to Not Be Okay” sa Top 10 na palabas ng Netflix Philippines.

Tila matagal-tagal din bago nahanap ng ABS-CBN ang mga gaganap sa adaptation ng series.

Maaalala na ito sana ang gagawing proyekto ng dating loveteam na sina Liza Soberano at Enrique Gil o mas kilalang “LizQuen,” pero hindi na ito natuloy dahil nagbago ang plano ng aktres kung saan ay tatahakin niya ang kanyang Hollywood dream.

Ang aktres na si Erich Gonzales ang sumunod na nabalitang gaganap sa “It’s Okay to Not be Okay” pero hindi na nagkaroon ng update ang TV network hanggang kay Anne na nga ibinigay ang role bilang si “Ko Moon-young” sa nasabing K-drama series.

Read more...