Kathryn lalayasan daw ang ABS-CBN dahil kay Daniel, may offer sa ibang TV network?

Kathryn lalayasan daw ang ABS-CBN dahil kay Daniel, may offer sa ibang TV network?

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

MAY kumakalat na chika ngayon na lalayasan na raw ng Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo ang Star Magic at ABS-CBN.

Nabasa namin ang ilang social media post na naglalaman ng balitang nagbabalak na raw lumipat sa ibang TV network si Kathryn matapos daw makatanggap ng mga bonggang offer.

Nagsimulang umingay ang chikang ito nang kumpirmahin nina Kathryn at Daniel Padilla na natapos na ang 11 years nilang relasyon.

Balitang may mga natanggap na offer daw si Kath mula sa isang TV network at talent management para lumipat sa kanila after nilang mag-break ni Daniel.

Isa umano sa mga nagparamdam sa Kapamilya actress ay ang talent management ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez na Crown Artist Management.

Ngunit, ayon sa nanay ni Kathryn na si Min Bernardo, walang katotohanan ang tsismis na kumakalat ngayon sa social media na lalayasan na ng kanyang anak ang Star Magic at ang ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo hindi aalis sa poder ng ABS-CBN, sey ni Mommy Min

 

Sa panayam ng ABS-CBN, ipinagdiinan ni Mommy Min na mananatili si Kathryn sa bakuran ng Star Magic, “No, hindi siya aalis ng Kapamilya network!”

Matatandaang nag-issue na ng official statement ang ABS-CBN hinggil sa breakup nina Kathryn at Daniel. Narito ang buong pahayag ng network.

“Nirerespeto at nauunawaan ng ABS-CBN management at Star Magic ang naging desisyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na maghiwalay.

“Igalang natin ang mga pahayag nila at huwag na nating dagdagan, bigyan ng ibang kahulugan, o gawan ng kwento at fake news. Wala sa kanila ang nagbigay ng interview o bagong statement dahil nasabi na nila ang kanilang saloobin sa kanilang social media accounts.

“Hiling namin na galangin ang bawat isa sa kanila para makatulong sa kanilang paghilom at pag-move on.

“Mananatili ang taos-pusong suporta at pagmamahal ng ABS-CBN management at Star Magic kina Kathryn at Daniel.”

Read more...