MAGKAKAROON na ng bagong Chief Executive Officer (CEO) ang GMA, ang isa sa biggest multimedia conglomerate sa bansa.
Ito ay matapos magretiro si Atty. Felipe L. Gozon na chairman din ng nasabing kumpanya.
Ang papalit sa kanya ay si Gilberto R. Duavit, Jr. na kasalukuyang presidente at chief operating officer (COO) ng GMA.
Sa kabila ng kanyang pagreretiro, magsisilbi pa ring board chairman at adviser ng nasabing korporasyon si Gozon.
Ayon sa kanya, magsisimula ang bagong CEO sa kanyang trabaho pagdating ng January 1, 2024.
Baka Bet Mo: Alden Richards walang target date sa pag-aasawa, may 1 quality na lang na hinahanap sa magiging dyowa, ano kaya yun?
Para sa mga hindi masyadong aware, dalawang dekada nang namuno si Gozon sa GMA na nakapagbigay ng pinakamahalagang pagbabago sa pagbangon ng kumpanya upang maging top broadcast network in the Philippines.
Sa mga nagdaang taon, ang GMA ay nakatanggap ng iba’t-ibang pagkilala, kabilang na riyan ang first Filipino media and broadcasting company to sign with the United Nations (UN) Global Compact.
Samantala, si Duavit Jr. ay naging board of directors ng GMA noon pang 1999 at naging chairman ng executive committee ng nasabing network simula pa noong August 2000.
November 2000 nang siya ang pinangalanang executive vice president and COO ng broadcasting network.