NAGBIGAY-PUGAY ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa reggae artist at finalist ng “The Voice of the Philippines” Season 2 na si Kokoi Baldo.
Ngayong araw, December 8, nang sumakabilang buhay ang reggae artist matapos itong masangkot sa isang road accident.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Sarah ang mensahe para sa yumaong mang-aawit.
Aniya, labis ang kanyang pasasalamat sa pagbabahagi nito sa madla ng kanyang talento sa musika.
Baka Bet Mo: Kokoi Baldo ng ‘The Voice PH’ season 2 pumanaw na
“Maraming salamat at ibinahagi mo sa amin ang talento mo sa musika.. Marami po akong natutunan sa inyo lalo na ang prinsipyo nyo sa buhay,” saad ni Sarah.
Dagdag pa niya, “Maraming salamat Sir Kokoi. May your soul rest in God’s presence,” dagdag pa niya.
Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot rin ng kanilang mensahe ng pakikiramay sa post ni Sarah parasa mga taong naiwanan ni Kokoi.
“Mahigpit na yakap at pakikiramay sa Buong Pamilya! Salamat sa Musika mo Sir. Kokoy!” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa,””This is so heartwarming for Sarah to honor Kokoi’s talent. He is the Voice PH grand champion that we never had. Until now, his blind audition and performance videos have the highest views in the Voice PH youtube channel. Gone too soon. Lay under the moon now and rest in paradise, Kokoi!”
Si Sarah ang nagsilbing coach ni Kokoi nang sumali ito sa “The Voice of the Philippines”Season 2 noong 2014.