‘Wonka,’ ‘Journey to Bethlehem’ perfect pang pamilya, showing na

‘Wonka,’ ‘Journey to Bethlehem’ perfect pang pamilya, showing na

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures, Columbia Pictures

MAPAPANOOD na sa mga lokal na sinehan ang dalawang pelikula na talaga namang perfect na perfect na pang-bonding ng pamilya.

Unahin muna natin ang “Wonka,” ang prequel ng 1971 film na may titulong “Willy Wonka and the Chocolate Factory.”

Ang sikat na American-French actor na si Timothée Chalamet ang bibida sa fictional character na binansagang world’s greatest inventor, magician at chocolate maker na si “Willy Wonka.”

Ang bagong movie ay tungkol sa pagsisikap at naging mga pagsubok ni Willy bago magkaroon ng sariling chocolate factory.

Ilan pa sa mga magpapasaya at magbibigay kulay sa pelikula ay ang “Mr. Bean” star na si Rowan Atkinson, pati na rin sina Hugh Grant, Olivia Colman, Keegan-Michael Key at Sally Hawkins.

Baka Bet Mo: Julia Montes mas bet ang ‘happy life’ kaysa ‘perfect life’, may pinagdaraanan nga ba?

Maliban diyan, isa pang nakakaantig na istorya ng pag-ibig ay ang live-action musical film na “Journey to Bethlehem.”

Tinagurian itong “greatest story ever told” na tungkol sa love story nina Mama Mary at Joseph, pati na rin ang pagsilang ni Hesu Kristo.

Ang upcoming Christmas musical ay pinagbibidahan nina Fiona Palomo bilang “Mama Mary,” Milo Manheim as “Joseph,” at Antonio Banderas na gaganap naman bilang si “King Herod.”

Bukod sa tatlo, tampok din sina Omid Djalili, Rizwan Manji, Geno Segers, MŌRIAH, Joel Smallbone, Lecrae, at Stephanie Gil.

Mula ito sa direksyon ni Adam Anderson, ang naging executive music producer ng hit movie na “Glee.”

Naikuwento ni Milo sa inilabas na pahayag ng Columbia Pictures na bagamat marami sa atin ay alam na ang kwento ng nasabing pelikula, kaabang-abang ang inihanda nilang modernong musika para rito.

“The thing that I love about this so much is that it’s such an ancient story but all the music is so modern,” sey ng aktor na gaganap bilang Joseph.

Dagdag naman ni Fiona, “It’s a beautiful balance between just very grounded real human problems and purposes and barriers and everything, and just performance and theater and color – it’s perfect.”

Read more...