After ng KathNiel breakup, Andrea damay din sa hiwalayang Miles-Elijah

After ng KathNiel breakup, Andrea damay din sa hiwalayang Miles-Elijah

Elijah Canlas, Miles Ocampo at Andrea Brillantes

HINDI pa man humuhupa ang pagkakadawit ni Andrea Brillantes sa kontrobersyal na paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay may bago na namang chika about her.

Never pang nagsalita si Andrea tungkol sa mga akusasyon na siya ang third party umano sa breakup ng KathNiel at hanggang ngayon ay abangers pa rin ang lahat sa magiging paliwanag niya tungkol dito.

Pero sa gitna nga ng pambabarag sa young actress na ilang fans nina Kath at DJ, may bago na namang isyu kay Andrea na may konek sa paghihiwalay nina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

Knows n’yo ba na may mga netizens ang nagpapakalat ng chika na si Andrea rin daw ang itinuturong dahilan ng breakup nina Elijah at Miles.

Baka Bet Mo: AJ Raval sa hiwalayang Aljur-Kylie: Hindi ako naging third party

Nakakaladkad na naman ang name ni Andrea sa hiwalayang Miles at Elijah na napag-usapan din ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz at ng mga co-hosts niyang sina Mama Loi at Tita Jegs sa YouTube channel nilang “Showbiz Update”.


Nagtataka rin sila kung bakit hindi ipinagtatanggol ni Andrea ang sarili sa hiwalayang Kathryn at Daniel gayung kalat na kalat na ang chika na siya raw ang may kasalanan kung bakit nauwi rin sa wala ang relasyon ng KathNiel.

Baka Bet Mo: Xian Gaza trending na naman dahil sa hiwalayang Moira at Jason, pero bakit binanatan ng mga miyembro ng LGBTQ?

Dahil dito, napag-usapan din nina Papa O ang pahihiwalay nina Elijah at Miles dahil nakakaladkad din sa isyu nila si Andrea.

Ang chika, may nagparating sa kanya na tila na-develop daw si Elijah kay Andrea dahil sa pagsasama nila sa seryeng “Senior High” ng ABS-CBN.

At ang nakakaloka pa, iniisyu rin si Elijah sa Star Magic talent na si Daniela Stranner na gumaganap namang kapatid niya sa seryeng “Senior High.”

Wala pang reaksyon o opisyal na pahayag ang mga taong involved sa mga chikang ito. Bukas ang BANDERA sa kanilang magiging paliwanag.

Read more...