TOTOONG buwis-buhay ang mga eskena ni Piolo Pascual sa Metro Manila Film Festival 2023 official entry na “Mallari.”
Talagang napapangiti at napapailing ang Ultimate Heartthrob habang ikinukuwento ang naging karanasan niya habang ginagawa ang kauna-unahan niyang horror movie.
Kuwento ni Papa P sa naganap na grand mediacon ng “Mallari” last Friday, December 1, sa SM MOA Cinema, ngayon lang siya nahirapan nang bonggang-bongga sa dami ng nagawa niyang pelikula.
Tatlong karakter mula sa iba’t ibang henerasyon ang ginampanan niya sa movie — si Fr. Severino Mallari, si John Rey, at si Jonathan.
Muling nabanggit ni Papa P na muntik na niyang tanggihan ang pelikula matapos mabasa ang script.
Sa katunayan, diretsahan niyang tinanong ang producer ng “Mallari” na si Bryan Dy ng Mentorque Productions kung gaano kalaki ang production value nito.
“It was hard because three roles, e. So, I just, parang as an actor, that’s the challenge, not knowing what to expect.
“By just saying yes, I guess for me, I was up for the challenge and I just wanted to do something different. And when this came about, I guess it just fell into place, and the big production value alone was big consideration,” simulang pagbabahagi ni Piolo.
Baka Bet Mo: Producer ng ‘Mallari’ pinaghandaan ang talent fee ni Piolo: ‘Hindi na kami nagtangkang tumawad, kasi…’
Aniya pa, “It’s very ambitious but they lived up to the expectations and everything. So, I’m just really happy about that.
“With this film, with the backing of Warner Bros., I hope we will be able to not just be a top-grosser but to be shown not just here but internationally.
Baka Bet Mo: Hirit ni Piolo Pascual sa pagpapakasal at pag-aasawa: ‘Kapag tuli na po ako!’
“Para naman ma-notice yung Philippine cinema, and horror genre for that matter, because malakas yung horror dito sa Pilipinas.
“It was really hard but what made it easy was the vision of my director. Direk Derick (Cabrido) knew what he wanted and he knew his vision. He had a vision, in his film, his story.
“Ang pagkakasulat ni Sir Enrico, napakalinaw. Though it went through several drafts, and biggest blessing for me was having an acting coach, Tita Angie Castrence,” chika ng aktor.
Mismong si Piolo rin ang nag-request na mag-lock in shoot siya para makapag-focus sa tatlo niyang character sa movie.
“There were other days that I was doing three characters. So, you have to be specific, and you have to know the journey of each character.
“For me as an actor, nalatag siya nang maayos. I mean, the story and everytime I would read it from start to finish, lalong lumilinaw yung journey ng bawat character.
“So for me, malinaw yung pagkakaiba ng tatlong characters, but it was really hard. And masaya lang, because ang laking production,” pahayag pa ni Papa P.
Samantala, ayon naman sa scriptwriter ng “Mallari” na si Enrico Santos, medyo kabisado na niya ang pag-atake sa paggawa ng horror movie, dahil sa mga naging karanasan niya sa Star Cinema.
“Alam na alam po namin na ang pinakagusto ng mga Filipino, kapag Pasko, kapag kinaladkad mo ang pamilya o ang barkada mo ay magkasigawan. Parang roller-coaster, parang theme park po.
“Tapos po sa ikalawang araw naman, pag kasama na nanay mo. Pero paglakad ng barkada, sigawan muna. So, we made sure na ang Mallari po ay punung-puno ng gulatan.
“We made sure po na may pag-uusapan din paglabas dahil gusto rin po na kung nagustuhan mo ba yun? Bakit ganu’n ang nangyari, hindi ko naintindihan… pero isipin mo, huwag kang tulala.
“Di ba po a lot of coversations, and then i-online post pa nila. Most importantly, we also made sure na may puso po yung kuwento, dahil at the end of the day po malalaman ninyo na ang theme po pala ng Mallari ay isang love story,” ang rebelasyon pa ni Enrico.
“Yes! Love po ni Fr. Mallari sa kanyang ina, love po ni John Rey sa kanyang asawa, at love po ni Jonathan yung ikatlong role sa kay Janella po, bilang girlfriend.
“So, you don’t really leave it na parang roller-coaster na pag lumabas ka, wala kang nararamdaman. Ang pinakamalaking bentahe po ay meron kang dinadala sa puso mo na love,” aniya pa.
Kasama rin sa “Mallari” sina Gloria Diaz, Elisse Joson, Janella Salvador, Mylene Dizon at marami pang iba.