Janella ayaw nang gumawa ng horror movie, pero nag-yes dahil kay Piolo

Janella ayaw nang gumawa ng horror movie, pero nag-yes dahil kay Piolo

Janella Salvador

GUSTO na muna sanang magpahinga sa paggawa ng mga horror-suspense movies ang Kapamilya actress na si Janella Salvador.

Nagsunud-sunod kasi nitong mga nagdaang taon ang pagbibida ni Janella sa mga horror at slasher films kaya parang gusto muna niyang umiwas sa mga proyektong may temang katatakutan.

Pero biglang nagbago ang desisyon niya nang i-offer sa kanya ang “Mallari” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2023.

Inamin ni Janella sa naganap na presscon ng “Mallari” na takot siyang ma-typecast sa mga horror films.

“To be honest with you, before I accepted this film, sabi ko sa sarili ko parang gusto kong munang magpahinga sa horror kasi parang nata-typecast na rin ako sa mga horror,” simulang pagbabahagi ng aktres.

Baka Bet Mo: Jane, Janella may pangako sa isa’t isa pagkatapos ng ‘Darna’: Hindi kami basta taping friends lang

Patuloy pa niya, “My first film was ‘Haunted Mansion,’ it was horror. I did ‘Bloody Crayons,’ it’s also slasher film, then yung series naming ‘Killer Bride’ (with Maja Salvador).

“Parang naging tuloy-tuloy ‘yung horror, hindi siya nawala and I said gusto ko nang magpahinga,” dugtong ng aktres.

Ngunit nang dahil kay Piolo at sa ganda ng materyal, napa-oo agad siya sa “Mallari.”


“As soon as I read the script, sabi ko, this is something na hindi ko pwedeng palampasin. It’s so well-written. It’s very detailed and beautifully written.

Baka Bet Mo: Janella aminadong hirap pagsabayin ang career at pagiging single mother, pero tuloy ang pagdating ng swerte sa buhay

“Kinabahan ako nang slight kasi hindi ko lang makakatrabaho rito si Papa P, partner ko pa siya rito. Kinabahan ako pero I couldn’t let it pass,” aniya pa.

Paglalaraaan pa niya kay Piolo, “He has accomplished so much, pero nu’ng nasa set na kami never kong naramdaman na Piolo siya. He’s very generous. I could also see him working hard for his role.

“Lahat kami rito parang we’re all really just trying to portray our roles na pantay-pantay kami and we worked very hard for this film,” pahayag pa ng celebrity mom.

Showing na ang “Mallari” sa December 25 bilang isa sa 10 entries sa MMFF 2023. Kasama rin dito sina Elisse Joson, Gloria Diaz, Mylene Dizon at marami pang iba, mula sa direksyon ni Derick Cabrido.

Read more...