MAJA sa relasyon nila ni GERALD: Sorry, sorry po! Pwedeng sa amin na lang yun!
Contrary sa mga naglalabasang balita na nagkakalabuan na sila ni Gerald Anderson, tiniyak ni Maja Salvador na maayos ang relasyon nila ng kanyang boyfriend at walang ibang babaeng sumisira sa samahan nila.
“Very okay po,” ang very short na sagot ni Maja nang usisain nga ng media sa presscon ng pelikulang “It’s Complicated” ng Regal Films.
Pero as usual pigil na pigil pa rin ang pagdedetalye ni Maja about Gerald, “Ano ba, kilala niyo naman po ako, hindi ako masyadong nagsasalita about sa lovelife ko.
Kasi, hindi siya parte ng trabaho ko. Siguro, tama na po ang sagot ko na very okay.” So, wala siyang pinagseselosang babae na balitang nilalandi raw ngayon si Gerald? “Ay, nasagot ko na po yun.
Hindi big… eto naman ako, sasagot naman ako,” biglang preno ng aktres. “Hindi, wala… wala naman. Thank God, wala naman. Smile, smile lang ako,” chika ni Maja kasabay ng pakiusap nito na huwag na siyang kulitin about lovelife.
“Sorry po, sorry po. Alam niyo naman ako, ang lovelife sa akin, kung puwedeng sa akin lang, sa akin lang po,” E, gaano naman katotoo na hindi raw boto sa kanya ang mga magulang ni Gerald,
“Mas pipiliin ko na lang na quiet na lang ako. I-enjoy ko kung ano ang nangyayari sa akin talaga. I-enjoy ko kung ano ang mga totoong nangyayari. Maaapektuhan ako kung totoo.”
Dagdag pa niya,“Feeling ko, kahit wala ka sa showbiz, kahit naman sa normal na tao po, darating talaga ang sitwasyon ng pagiging kumplikado sa buhay at pagiging kumplikado sa isang relationship.
Yung sa amin, kasi ang liit lang din naman ng mundo ng show business, kaya siguro nagkakaroon ng mga kumplikado sa mga sitwasyon namin.”
Natanong din si Maja kung ano ang reaksiyon niya sa balitang magdyowa na ang ex-boyfriend niyang si Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, “Dapat maging happy po tayo.
Oo, di ba, ang love, dapat sine-share ‘yan sa isang taong espesyal talaga sa ‘yo? Then, nahanap nila yun sa isa’t isa, di ba? Spread natin ang love.”
May shock factor ba nang malaman niyang sina Matteo at Sarah? “Hindi, hindi naman po. Di ba, dati, nali-link naman sila?”
Ano naman ang reaksiyon niya sa mga nagsasabing palit-palitan lang ng dyowa ang mga artista?
“Maliit lang po ang mundo namin, and hindi rin naman po namin yun pinlano. “May mga bagay na hindi po natin hawak. Biglang nagugulat na lang tayo, pati tayo, ‘Anong nangyari?’
Na nandoon na po tayo sa sitwasyon na yun.” Anyway, watch na lang kayo ng latest movie ni Maja na “Status: Ir’s Complicated” kasama sina Jake Cuenca, Solenn Heussaff, Paulo Avelino at Eugene Domingo sa direksiyon ni Chris Martinez.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.