Nadine Lustre sa hiwalayan ng KathNiel: Ang tagal din ng 11 years

Nadine Lustre sa hiwalayan ng KathNiel: Ang tagal din ng 11 years

Nadine Lustre, Daniel Padilla, at Kathryn Bernardo

MAGING ang award-winning actress na si Nadine Lustre ay nahingan ng komento ukol sa recent break-up nina Kathyn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa kanyang naging eksklusibong panayam sa “One Balita” nitong Biyernes, December 1, nausisa siya kung ano ang kanyang reaksyon sa paghihiwalay ng dalawa.

Sey ni Nadine, wala siyang masyadong masabi ukol sa KathNiel break up dahil hindi naman siya naging malapit sa mga ito.

“I can’t really say so much about it because I’m not super close to them. I don’t think I can comment on anything.

Pero ang tagal din ng 11 years,” saad ni Nadine.

Bukod rito ay nagbigay rin siya ng kanyang pananaw ukol sa love team na talamak sa Philippine showbiz industry.

Baka Bet Mo: Fans ni Nadine Lustre umalma sa pagkakalaglag ng ‘Nokturno’ sa MMFF 2023

“Noong panahon ko, ‘yung mga love team, pipilitin, e. Pipilitin kahit wala na. ‘Yun [ba] hindi n’yo na-experience?” tanong ni Cheryl Cosim kay Nadine.

Labis naman ang pasasalamat ng aktres dahil hindi niya ito naranasan.

“No, I am grateful hindi umabot sa ganoon,” sagot ni Nadine.

 

NADINE’S TAKE ON LOVE TEAMS

Aniya, dapat lang daw talagang maging professional at hindi dapat ipinopilit ang love team.

Lahad ni Nadine, “That’s how it should be naman. I think that’s how it should be, but I understand din naman why sometimes the management would force it for business reasons.

“But I’m happy because now the showbiz industry is changing. Now it’s not the same as before na ‘pag love team kayo dapat.”

Sa ngayon naman daw ay mas understanding na ang mga tao sa mga artista.

“Ngayon, everyone is more understanding, and everyone is more professional. I think it should be like that,” dagdag pa ni Nadine.

Chika pa niya, masuwerte siya na naintindihan siya ng mga fans nila noon ng kanyang ex-boyfriend na si James Reid dahil kahit na naghiwalay na sila at may iba na siyang karelasyon ay patuloy pa rin siyang sinuportahan ng mga ito.

“I’m very lucky because there are fans who also understand even when I am dating again. There were fans na very supportive.

“I mean, I understand some fans are heartbroken, fans who are mad, which is understandable because they were with you on that whole journey. Even if they don’t know you personally parang nakakasad din naman pero ganoon talaga, sabi pa ni Nadine.

Matatandaang 2020 nang ianunsyo nila ni James na tapos na ang kanilang relasyon at sa kasalukuyan ay super happy ito sa kanyang relasyon sa French-Filipino entrepreneur na si Christophe Bariou.

Read more...