Vice, Chie, Bela, Ruffa, iba pang celebs ‘brokenhearted’ sa hiwalayang KathNiel

Vice, Chie, Bela, Ruffa, iba pang celebs ‘brokenhearted’ sa hiwalayang KathNiel

Vice Ganda, Chie Filomeno, Bela Padilla, Ruffa Gutierrez

MALIBAN sa fans, tila nawasak din ang puso ng ilang sikat na artista na talaga namang nakatrabaho, nakasama at tumutok sa love story nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ilan na lamang sa mga nag-post ng kanilang nararamdaman kaugnay sa kumpirmasyong paghihiwalay ng dalawa ay sina Vice Ganda, Bela Padilla, Chie Filomeno, Ruffa Gutierrez, at marami pang iba.

Sa X (dating Twitter) ng dating beauty queen at TV host na si Ruffa, ibinandera niya ang isang video na makikitang tila nagdu-duet sa karaoke ang dating magdyowa.

Sey pa niya, “I can’t move on…[broken heart emoji].”

Baka Bet Mo: Mga abogado nina Kathryn at Daniel nag-uusap na, bawian na nga ba ng investment?

Mababasa rin sa comment section sa Instagram post ni Kath na sinabi ni Ruffa na umiiyak siya dahil sa nangyari.

“I’m crying right now. [crying face emoji] I love you both [ red heart emojis],” komento niya sa IG.

Samantala, nagpaabot naman ng mensahe ang Unkabogable Star na si Vice para sa mga nasaktan sa breakup nina Kath At DJ.

Wika niya, “God bless the broken hearts. #kathniel”

Nagkaroon din ng madamdaming post ang aktres na si Bela at tila nanawagan pa na kailangang matutunang tanggapin ang hiwalayan ng dalawa.

“I think the most painful part is realising a person was just meant to pass through one’s life. Never to stay, never to stay [sad face, broken heart emojis],” caption niya.

Aniya pa, “For us who watched them grow up together, acceptance and kindness in everything we say or do [folded hands emoji].”

Napa-react din ang aktres na si Chie, pati na rin ang singer na si Darren Espanto.

“Ang bigat…,” tweet ng aktres.

Lahad naman ng young singer, “Haysss [sad face, broken heart emojis]”

As of this writing, top trending sa X ang “MY KATHNIEL HEART” na mayroon nang mahigit 42,000 posts.

Trending din ang Kapamilya Young actress na si Andrea Brillantes na nasangkot umano sa kontrobersyal na paghihiwalay nina Kathryn at Daniel.

Ngayong araw, November 30, pareho nang nagsalita sina Kath at DJ at inaming break na sila kasabay ng pakiusap na ibalato na lang muna sa kanila ang kanilang privacy.

Ayon kay Kathryn, aware siya sa “breakup rumors” kaya naman pinili niyang kumpirmahin na wala na talaga sila ni Daniel.

Aniya, halos kalahati ng buhay niya ay kasama niya si Daniel at sa kabila ng nangyari ay wala siyang pinagsisisihan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Daniel sa dating girlfriend dahil hindi raw siya iniwan kahit ano pa man ang pinagdaanan niya sa buhay.

Mensahe pa niya, “Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggang at walang katapusan.”

Read more...