LTO balak maglunsad ng ‘registration caravan’ para sa mga motorsiklo

Balita featured image

UPANG mapaigting ang pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy sa mga motorsiklo, nagpaplano ang Land Transportation Office (LTO) na maglunsad ng nationwide registration caravan.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang nasabing caravan ay gagawin nationwide sa tulong na rin ng local government units (LGUs), partikular na ang barangay level. 

“Sa level ng barangay ay madali nang malalaman ng ating mga opisyales ng barangay kung sino-sino at ilan sa kanilang mga constituents ang hindi rehistrado ang mga motorsiklo at mga sasakyan. Kaya tayo po ay hihingi ng tulong sa kanila tungkol dito,” sey ni Mendoza sa isang pahayag.

Dagdag niya, “Sa pagsasagawa ng motor vehicle registration caravan, ipinapakita namin sa LTO na hindi lang kami puro enforcement.”

“We will be going to bring the services of the LTO closer to our clients,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Hirit ni Bongbong kay Direk Paul Soriano: Ano ang sikreto mo at fresh ka kahit nasa initan?

Base sa latest data ng ahensya, nasa 24.7 million motor vehicles, karamihan mga motorsiklo, ang may expired motor vehicle registration. 

Ang pinakamarami riyan ay mula sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

“Extra effort ito sa aming sa LTO pero lahat ng magiging pagod ay worth it naman dahil ang pinag-uusapan dito ay ang pagtitiyak ng roadworthiness ng mga sasakyan na siyang mandato ng inyong LTO,” saad ng LTO Chief Assistant Secretary.

 Panawagan pa ni Mendoza, huwag kalimutang magrehistro upang maiwasan ang seryosong problema na tulad ng pag-impound ng kanilang mga sasakyan o motor.

Read more...