Robin, Bong, Lito, Jinggoy, Coco magsasama-sama sa pelikula, ilalaban sa MMFF 2024

Robin, Bong, Lito, Jinggoy, Coco magsasama-sama sa pelikula, ilalaban sa MMFF 2024

Robin Padilla, Coco Martin, Lito Lapid

PINAPLANO na nang bonggang-bongga ang pelikulang pagbibidahan ng limang senador kasama ang Teleserye King na si Coco Martin.

May working title na “Apat Na Sikat”, magsasama-sama sa naturang movie sina Sen. Lito Lapid, Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Revilla, at Sen. Jinggoy Estrada at si Coco nga.

Ibinalita ni Sen. Lapid sa ilang members ng entertainment media sa kanyang pa-early Christmas party and thanksgiving na sina Bong at Jinggoy ang magpo-produce ng napakalaking pelikulang ito.

“Tinanong na namin yan, binubuo namin. Hinihintay na lang namin yung availability ni Coco.

“Gumagawa kami ng istorya, sina Robin, Bong, at Jinggoy at saka si Coco para buuin ang istorya. Kasi, hindi dapat basta-basta ang istorya nito, e,” ang pahayag ng senador.

Baka Bet Mo: Jake Ejercito, Jinggoy Estrada tanggap ang pagkakaiba ng pananaw sa politika

Ang plano ng mga nabanggit na veteran action stars, ay ilaban ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) next year.

“Tapos wala tayong bayad lahat. Kaming lahat, sabi ko, huwag magpapabayad. Ido-donate namin yung kita niyan sa movie industry, para ipagpatayo ng building sa Mowelfund.

“Iba yung floor ng direktor, iba ang floor ng mga press, iba sa assistant director, iba ang artista, iba ang stuntman, para du’n na lang. One-stop shop na lang. At least, may upisina tayo lahat,” pahayag ng aktor at public servant.

Sa tanong kung sinu-sino ang magiginf leading lady nila sa movie, “Si Coco na siguro ang magka-casting nu’n.”

In fairness, sa edad na 68, marami pang nagagawa si Lito Lapid kabilang na ang mga buwis-buhay stunts at fight scenes niya sa “Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco.

Para ngang hindi tumatanda si Sen. Lapid dahil nang muli namin siyang makita nang personal sa kanyang early Christmas party and thankagiving with the press ay ang bagets pa rin ng kanyang itsura.

 

“Ako talaga ang gumagawa ng mga stunts ko kasi alam talaga ng mga tao na stuntman ako. Hindi ako nagpapa-double.”

Pero nag-iingat na rin ako dahil may edad na rin naman tayo. Kumbaga kaya ng isip ko pero hindi na kaya ng katawan ko.

“Sa tagal ko sa pelikula, wala pa naman akong bale sa katawan. Sana huwag naman. Kaya sinubukan ko uli mag-stunt sa ‘Batang Quiapo’ at kaya ko pa naman.

“Minsan naaawat na lang ako, eh. Minsan gusto kong tumalon kaso tinanggal ng direktor yung camera sabi niya, huwag. Sabi ko naman baka kako lang hinahanapan ako ng mga tao at tinitignan nila kung kaya ko pa,” sey pa ng veteran actor.

Nagpapasalamat din siya na sa edad niyang 68, ay nakakalakad pa siya nang diretso at walang tungkod tulad ng ibang kasabayan niya sa showbiz.

At knows n’yo ba na wala ring maintenance medicine ang aktor? “Vitamins lang, mga vitamins, tapos konti sa pagkain, puro gulay, ganyan lang.”

Hindi rin daw siya nagpupunta sa mga derma clinic, “Wala. Stem cell? Wala rin. Nagtatanong nga ako. Gusto ko rin, baka kako pwede na ako sa edad, eh, ‘di ba? Pero kaya pa naman ng tuhod, eh.

“Kasi nga kailangan ng ensayo pinapawisan ka talaga, eh. ‘Yun talaga ang sikreto. ‘Wag kang tatamarin. ‘Pag tinatamad ka kailangang pilitin mo ang sarili mo,” aniya pa.

Read more...