Matteo, Sarah may ginagawa bago matulog para mas maging solid ang relasyon

Matteo, Sarah may ginagawa bago matulog para mas maging solid ang relasyon

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

HINDI itinanggi ni Matteo Guidicelli na may mga pagkakataong nagtatalo at nagkakatampuhan din sila ng kanyang asawang si Sarah Geronimo.

Naniniwala ang TV host-actor na walang perfect marriage at araw-araw ay talagang may mga pagdaraanang pagsubok ang mga mag-asawa kahit gaano pa nila kamahal ang isa’t isa.

Ibinahagi ni Matteo ang ilang sikreto sa maayos at matatag na relasyon nila ni Sarah as married couple at kung paano nila inaayos ang mga dumarating na problema.

Tatlong taon nang nagsasama bilang mag-asawa sina Matteo at Sarah at talaga namang #RelationshipGoals ang peg nila na nagsisilbi ring inspirasyon sa ibang mag-asawa.


“I always like asking older people or people that have more experience, that’s been in the marriage game for a long time. I always ask them, ‘Ano po ang sikreto sa isang successful na marriage?’ And they always say ‘respect, listen to one another,’” sabi ni Matteo sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

“But the one thing that always stands for me, ‘yung Matteo, God, Sarah. Always put God in the middle, that’s very important. When you have God in the middle, respect comes, collaboration comes, love comes,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Matteo sa relasyon niya sa mga magulang ni Sarah: ‘I just wish one day everything will be OK’

Ipinagdiinan pa ni Matteo na ang kasal ay hindi lang basta tungkol sa marriage contract, kundi isang panghabangbuhay na pangako sa Panginoong Diyos.

“The day we got married, Feb 2020, we have a covenant, not just on paper, but to our faith kumbaga. May times talaga magdidiskusyon kami, hindi ganito, hindi ganiyan.

“So at the end of the day kahit sobrang puno ka na or kahit malungkot ka, you look at it this way.

“You have a covenant to one another, you have a covenant with your faith in God. Why are you here in the first place? What’s the purpose of this? What is the purpose of love?” aniya.

Kasunod nito, inamin ng aktor na may mga araw na nagtatalo rin sila ni Sarah, “Every relationship has its own ups and downs and all.

“I think it’s a beautiful journey, a beautiful moment arguing, quarreling, happy moments, sad moments. At the end of the day kapag tapos na ang lahat, that’s life.


“We argue at times, but our days are more of fixing things, like ‘Love paano natin dadalhin ito?’ We have some discussions here and there, but they are all creative improvement for our individual being kumbaga,” sey pa ni Matteo.

“All those little moments, it’s so beautiful that creates a single person to become stronger, better and more loving,” dagdag pa ng aktor.

Baka Bet Mo: Matteo nag-share ng tips para sa mga mag-asawa, hiling sa fans nila ni Sarah: ‘Ipagdasal n’yo po kami, sana magka-baby na’

At knows n’yo ba na may ginagawa sina Sarah at Matteo bago matulog para mas maging solid pa ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

“Sarah makes it a point that we pray together before going to bed. That’s something that’s naturally there. We pray out loud,” aniya.

Nadiskubre rin daw ni Matteo ang kanyang mga limitasyon bilang asawa, “I know my boundaries as a husband and I’d like to protect that. Before we got married we dated for a long time.

“And I believe Sarah really protected our relationship. How? Being private and being silent from our industry. I’m very thankful for that,” aniya.

Isang “amazing” wifey naman kung ilarawan ni Matteo si Sarah, “Marriage is such a beautiful journey, such beautiful moment, such a beautiful experience.

“Because it’s about two different people from corners of the ring, two corners of life, with different likes and wants, joining together and synergizing together.

“Going through life together, dreaming together, working hard together to achieve those goals, those dreams that both have,” pahayag pa ni Matteo Guidicelli.

Read more...